*YURIL's P.O.V*
Andito ako ngayon sa major class naming kung saan ka major ko rin ang mga kaklase ko, unlike sa History class na may kaklase akong mga parang High School. Buti narin maaga dinismiss ni Mrs. Garcia ang klase non, kung di mababaliw nako sa katabi ko non.
Isang makulit na blonde na lalaki ang biglang tumabi sakin. Tanong ng tanong kung saan ako nakatira, panay bato ng punchline at pick-up line. Haay ewan.
"Alright class we will discuss the next chapter tomorrow, and tomorrow also I will assign reporters. Just tell me kung may mga nag pra-pacticum na dito para ma arrange natin ang sched ng reporting nyo. That's all for today goodbye"
"Bye Sir"
Speaking of Practicum next sem pa ko. Pina transfer pa kasi ako ng mga magulang ko dito eh tahimik nayong buhay ko sa Northern University. Sila rin lang naman ang gagastos kaya wala nakong magagawa don.
"Hi Yuril, ako nga pala si Jin" nabigla naman ako sakanya nang inilahad nya kamay nya sakin para makipag shake hands. Mukha naman syang mabait eh, kaya tinanggap ko nalang.
"Hi, nice to meet you"
"Pwede ba tayong magkaibigan? Pansin ko lang bago ka yata dito eh at wala masyadong lumalapit sayo. Sabi naman ng iba nating mga kaklase nahihiya daw sila sayo."
Diba dapat ako tong mahiya sa kanila kasi nga ako tong bago dito. Nako, baligtad ata.
"Of course, yung lang naman pala eh"
"Tara ipakilala kita sa iba"
Giniya nya ko papunta sa may nagkumpulang mga tao. At isa-isa nya tong pinakilala sakin. At ngayon may mga kaibigan nako.
Virgil, Monina, Kathleen, Grecel, Lourdes, Lhara, Rinalee, Ira, Hiede. Ayan kilala ko na sila.
Humiwalay nako sa kanila kasi may Music and Arts pa ko. Dali-dali akong pumunta sa AVR room don daw yung klase namin. At nakarating naman din ako bago ang time. May kunting stage pa sa front at mga instrument pa kong nakita sa gilid like mga piano, guitar, drums, beatbox, at etc.
Umupo nalang ako kung saan pwede upuan, wala kasing mga seats dito, sa sahig nalang daw uupo. Anong klaseng class management kaya ang pinapakita dito? Curious ako.
'Good Morning Sir"
Oh? Andito na pala yung instructor namin. Tumayo rin ako at nag bow sabay sabing good morning.
"Good Morning din sa inyo, well sa hindi pa nakakakilala sakin I'm Mr. Romel Lewes, 33 years old, vital statistics 30-35 Philippines! at welcome sa Music and Arts class."
Haha! ^_^? Alams na dis. Shokla yung instructor namin. Then fast-forward nalang tayo kasi ang dami pa nyang sinasabing ka shoklaan.
"I want to group you to SINGERS, DANCERS, DRAMA ARTIST, ARTIST (yung mahilig sa arts, like paiting, drawing, etc.) INSTRUMENTALIST"
"At para malaman ko kung pano ko kayo hahatiin, I want you to show me your individual talent dito sa mini stage namin except sa mga mahilig sa arts and crafts."
Nako pano to, ang hirap sakin may fear ako pag humaharap ako sa maraming tao. Na memental black kasi ako pag maraming nakatingin sakin.
At ayon na nga may tinatawag na si Sir para mag sample sa gitna.
1st- kumanta sya ng All of me
2nd – Sumayaw naman sya
3rd – nag drama naman ito
4th- Nag play ng guitar
5th – Nag drums sya.
Aside naman sa mga pinapakita nilang talent tinatanong din sila kung ano pa ang mga tinatago nilang kakayahan.
"Ikaw Miss naka Checkerd na longsleeve, ikaw naman"
Oh My G, nagugulohan pako. Ano kasi, ahm? Pano ba to? Ahh. .
"'Show me your talent"
Ang problema kasi eh, . . . ano, ahm...
"Sige na dali, wag kang mahiya"
Ano kasi,
Ang dami ko kasing talent. Pano ako hahatiin ni Sir?
Siguro don nalang ako sa simple lang. . . Sige kakanta nalang ako.
I stand in front of them at nanginginig nayong tuhod ko. Kita ko naman na inip sila kaya sisimulan ko nalang.
" Hoo ho ooh, hmmm
Di na kita mahal, baka plano to ng may kapal
At sarado naaah,
Ika'y nagsabi nitoy, itigil na, hindi na kita mahal
Kahit anong gawin koy, hindi mabalik, ang dating kasiyahan
Kaya, iniwang mo nalang ako....
Naghihintay sa wala sayooo,
Chorus:
Dahil sabi mo
Hindi na kita mahal
Baka plano to ng may kapal
At dumaan lang ako sa buhay mo,
Di na kita mahal,
Baka plano to ng may kapal,
At sarado na ang puso ko ooh. . "
Hanggang don nalang. Ok na yata yun.
"Wooah! Yuril not bad, bagay ka sa mga alternative songs"
Weeeee? ^-^ nako, maliit na bagay hahaha!
At sa bandang huli may kanya kanya na kaming group. I belong to singers kaya may project daw kami. We have to sing our most favorite song. Ang kaso, ang dami ko na namang favorite eh I need to choose one.
"class dismiss" – UWIAN NA!
YOU ARE READING
Rebels vs. Good Girls
FanfictionPaano kaya mapapabago ng mga girls ang campus rebels. At kung ano ang epekto ng mga boys sa buhay ng mga girls. Starring Monsta X and Girls Attitude (Yuril, Soojen, SeoAne,Lena,Micheca,Aizany,Taezel)