*SEOANE's P.O.V*
Andito ako ngayon sa Paramedics department tent namin. Tumutulong din ako maghanda sa mga pagkain. Yung mga Criminology students napadpad na dito sa tent namin at nakikain, KALALAPAG KO LANG SA SALAD UBOS AGAD MAY GAD!!
Pero sige okey lang, fiestive nga ang theme diba. Feel free! Kumuha lang kayo mga patay gutom hahaha!
Nahagip naman ng mata ko si Soojen na dadaan sa tent namin at parang nakabusangot yung mukha nya. A.)Dahil ba sa init ng araw, B.) Dahil sa stress na sya sa event, C.) May nangyari bang kinaiinis nya, or D.) None of the above.
"Soojen!" tinawag ko nalang sya kasi di ako makadecide. Narinig naman nya ko, pero sa daming tao di nya ko makita, kaya ginawa ko kumaway ako.
"SeoAne!" ika nya. Haay nakita nya rin ako. Agad ko naman syang nilapitan.
"Bat nakabusangot yang mukha mo? Ang saya saya kaya ng event oh" ika ko ng nakangiti.
"I'm glad nasiyahan kayo" sabi nya ng nakangiti, atleast nakangiti sya. Pero agad naman napawi ang ngiting yun.
"Cheer Up baby! Cheer Up baby!" pasayaw-sayaw pako nyan. Pinapangiti ko lang sya uli eh.
"May problema kaba soojen? Baka makatulong ako. O try mo kaya ang mga desserts namin" ika ko.
"Wala naman, sige mamaya nalang muna may aasikasohin pa ko ha, thanks anyway" at naglakad na sya kung san man sya pupunta. Bat kaya ganon yun? Baka letter B yung sagot.
Bumalik nako sa pwesto ko, at tumulong uli sa mga kasamahan ko na magserve. Tapos narin kaming kumain eh, kami lang tong pumalit sa iba kasi sila na naman yung kakain.
"Hi! Mukhang ang sarap ng mga handa nyo ah" nilingon ko naman yung nagsalita kasi busy ako sa pagtratransfer sa mga platito.
At (O////O) Jusko ko Lord!!!!! My Angel is Back! His back! Totoo ba to? Andito sya ngayon sa tent namin. HO MAY GULAY! Nakangiti sya sakin waaaaah!!!! A-ako ba talaga kinakausap nya? Teka.
Tumingin naman ako sa likod ko pero kumakain lang ang mga tao. Tumingin naman ako sa gilid ko pero busy ang mga tao. AKO NGA TALAGA!!! Waaaaah!!
"Ha- ah? Hi! Ha ha ha! Kaw pala yan Jungkook" asoos! Nagkunwari pa ko, eh todo kabog na yung dibdib ko kung ano sasabihin.
"Hehe, musta?" sabi nya with a smile.
PUTENG.INE! NEMEN YENG SMILE NYE!!! Jusko laking pasalamat ko di ako ice, kung nagkataon siguro tunaw nako.
"Ha?? I'm fine, fine na fine hehehe..." ngayon kasing nandito kana nawala yung pagod ko.
"Masarap ba tong lumpia nyo?" turo nya sa lumpia.
"Oh yes" pero mukhang mas masarap ka kamo...
"Anong sinabi mo?"
O__O Huh? Nasabi ko bay un ng malakas? Nako, dapat sa isip ko lang yun eh.
"Huh? Wala hahaha! Sabi ko masarap yan pagtinikman mo" palusot mo seoane.
"Patikim ako ah"
Oh Nooooo!! Sana ako nalang yung lumpia.
"Hmmm... sarap nga" sht!! Ang gwapo nya parin kahit ngumunguya.
"Tapos kana ba? Excuse lang ha, kita mo naman may iba pa dito" isang iritadong ShowNu ang biglang nagsalita. Teka? Bakit diko sya napansin agad? San lupalop ba sya lumabas?
"Shownu??" >,< kainis! Kung kailan talaga may happy moment nako don naman sya bigla bigla sumusulpot.
"Bakit? Andito mga katropa ko, bawal ba mapadpad kami rito?" sabay akbay nya sa mga kasamahan nyang diko kilala, di naman sila ang Monsta x.
"Lakas mong magpakita sakin ngayon eh nong isang araw iniwan mo lang ako. Kaya para sainyong lahat BAWAL KAYO DITO!" sabay taboy taboy ko sakanila. Iwan nyo na muna kami ni Jungkook please!
"SeoAne! Anong ginagawa mo? Bat mo sila tinataboy? Dapat ipagserve mo sila" sita sakin ni Mr. Pure energy...Gary V as in Vulcan. Mr. Gary Vulcan instructor namin sa Zoology.
Nakita ko naman ang ngitingtagumpay ni Shownu. Bwisit talaga to.
to be continued...
YOU ARE READING
Rebels vs. Good Girls
Fiksi PenggemarPaano kaya mapapabago ng mga girls ang campus rebels. At kung ano ang epekto ng mga boys sa buhay ng mga girls. Starring Monsta X and Girls Attitude (Yuril, Soojen, SeoAne,Lena,Micheca,Aizany,Taezel)
