Someone's P.O.V
Nakagawa ng paraan si Yul upang makawala sa pagkatali nya sa upuan. Luckly dala nya ang cellphone nya at hilig nyang i-silent mode ito. Kaya di sya nahuli ng mga nagkidnap sa kanya.
Malalim ang gabi at mahimbing na nakatulog ang mga hayop na nilalang na komidnap kay Yul.
Dahan dahang lumabas si Yuril sa pintoan at maingat na di makagawa ng ingay.
Nagtagumpay syang makalabas ng pinto at dahan dahang naglakad palayo na sana ng may biglang mga kamay ang humawak sa braso nya.
"At san ka pupunta?" O__O SI PITBULL!! Gising si Pitbull mga kaibigan.
"Urrr! Bitawan mo ko!" pagpupumiglas ni yuril.
Tinawag ni Pitbull ang iba pa nyang kasama at ang pag-asang makawala ni Yul ay unti ng nawawala.
"BITAWAN NYO KO ANO BA! SAKLOLO!"
"takpan ang bibig nyan" utos ni Pitbull at sinunud naman nila ito.
"Ummm! Btwnnnyakwo" ungol ni Yul, at di nanaman natin naiintindihan.
"Subukan mo pang makawala samin sisiguradohin ko di kana sisikatan ng araw" death treat ni Pitbull kay Yul.
"Baka ikaw na ang hindi sisikatan ng araw" sabi ng isang boses na ikinabigla nila Pitbull. Nagsimula na silang mangamba dahil may nakakita na ng ginawa nila.
"Sinong nan dyan? magpakita ka!" asik ni Pitbull.
At gaya ng hiniling nya lumantad sa harap nila ang pitong lalaki. Ang mga kasuotan nitoy itim at may marka ang bawat isa sakanila ng MX. Di nila makilala ang mga mukha nila kasi itoy may balabal na tumatakip sa di kabuohang pagmumukha.
"Sino kayo? Pano kayo napunta rito?" bakas na sa boses ni Pitbull ang pangamba.
"Pasensya kana, pero, ayoko ng paligoy ligoy pa" ika ng isa sa pitong lalaki. At bigla nilang sinugod sina Pitbull.
.
.
.
.
.
.
Tapos non naiwan nalang nakagapos sina Pitbull at iba nyang kasama. Bugbug sarado silang apat at dina makagalaw.
Sa kabilang banda...
"Ahmm... k-kung sino man kayo... ano... aah.. Salamat"
Ligtas si Yul at kasama nya ang pitong lalaking sumagip sakanya.
"Umuwi kana" ika ng isa sakanila.
"Aaah.. bago ako umuwi may isang bagay lang akong gustong klarohin..."
"Ano yun?" sagot ng isa. Ano ba! Diko rin sila makilala kasi nga may mask sila! malay ko sino sakanila ang nagsasalita.
"diba kayo rin yung nagligtas samin nong isang araw? ... Tas ngayon... nakakapagtaka lang eh... sino ba kayo?"
Wala silang balak sagotin si yul kaya tumalikod nalang sila at maglalakad na sana ng di makapagtimpi si Yul.
Nakakatanga kayang walang sumasagot sayo. Kaya ang ginawa ni Yul hinablot nya ang mask ng isa sakanila at nanlaki nalang ang mata nya bigla.
"Anong ginawa mo! Akin na Mask ko bwisit! Kahit kailan ka talaga"
"WONHO?" O___O

YOU ARE READING
Rebels vs. Good Girls
Fiksi PenggemarPaano kaya mapapabago ng mga girls ang campus rebels. At kung ano ang epekto ng mga boys sa buhay ng mga girls. Starring Monsta X and Girls Attitude (Yuril, Soojen, SeoAne,Lena,Micheca,Aizany,Taezel)