Chapter 19

46 4 0
                                    

*TAEZEL's P.O.V*

Ang tagal naman yata ngayon ni Aizany? Usually mga 7:30 nandito nayun. What keep her so long? Baka nadakip nayon ng kapwa alien nya, sumakay sa UFO at pumunta ng ibang planeta. Doon na magbagong buhay, don mag-aaral ng alien language, magkakaasawa ng alien. Mamuhay bilang alien, kumain bilang alien. Mag-isip bilang alien at di magtatagal mukha na syang alien.

Sa peripheral sight ko, may papalapit sakin pero di ako nakatingin talaga sakanya.

"Taezel, alam mo ba kung nasaan ang kaibigan mong si Aizany. May hiniram kasi sya sakin dipa nya sinusuli"— Sya si Vernon klasmate namin ni Aizany.

"Dinakip ng alien"— sagot ko na di tumitingin sa kanya. Bored ako kaya ayon nasabi ko nalang bigla.

"Huh" -- takang tanong nya, Ah onga pala. I forgot seryosong tao pala tong si Vernon.

"Ah, ang ibig kong sabihin, sumasakay pa yun ng tren papunta dito" umayos ako at humarap na sakanya.

To be honest gwapo naman si Vernon. Mabait, matalino, masipag, gentleman, ang ganda ng mga mata nya, at pati ngiti nya. Maayos pumorma, halatang maayos ipinalaki ng mga magulang. May mabuting kalooban at sumusunod sa mga magulang.

"TAEZEL!"

o.o ha?

"kanina pa kita kinakausap. Sabi ko may naghahanap sayo"

Nako, diko na namalayan na pinagpapantasyahan ko na si Vernon sa isip ko. Nahihibang na yata ako. *kamot sa ulo* pero ano daw? May naghahanap sakin?

"Sino naman ang naghahanap sakin?" tanong ko sakanya. Nakaupo lang sya sa unahan ko kaya kailangan pa nyang umikot.

"Diko sya kilala eh, ayon sya sa labas naghihintay sayo"

Geez, tinatamad akong tumatayo eh. Sana andito si Aizany para mauto ko na pumunta sa pinto at sya kumausap sa naghahanap sakin. Kaso wala pa sya, kaya tumayo nalang ako baka sila ate SeoAne pa yun or sila ate Micheca.

Nang nasa pinto nako.

"Hi sweetie ;) "

Ang kapaaaaaal nang taong kaharap ko. Sya yung naghahanap sakin? Nag sayang lang pala ako ng effort tumayo papunta rito.

Si Minhyuk lang naman pala...

"Excuse me? May naghahanap raw kasi sakin dito nakita mo ba?"

"Yep at ako yun" – sabay wink pa nya. Seriously anong meron sa pawink-wink nya?

"Miss me?"

-- askdkafkfkfkdnfndvndvngxzxx.\\ O~O//

"Parang kailangan kong pumunta ng CR nasusuka ako eh. Ilan kayang encyclopedia at dictionaries ang kinain mo at ganyan ka kapal magpunta dito at sabihin yan? Bwesit to naninira ng araw ng may araw"

Inalis ko yung kamay nya sa pinto, nakaharang kasi eh.

"Unang una, di sweetie ang pangalan ko. Lalong lalo na di ako sweet sa mga taong kagaya mo. Pangalawa, wag mong makindat-kindatan ako. Hindi ako kinikilig dyan sa mga pakulo mo, instead nangingilabot at nagsisitayuan lang mga balahibo ko sayo. Pangatlo, hinding-hindi ko mamimiss ang kagaya mo"

"Wow! Relax masyado kang Hot Miss Liit di pa nga ako nag uumpisa eh. You know what, type ko kagaya mo... fierce, palaban at bold. Kaya lang naman ako nandito kasi itatanong ko lang kung kailan tayo magsisimulang mag review eh. San tayo? Sa house mo o sa house ko?"

ang landi talaga ng taong to. Pero? Haha may naisip ko. Mapaglaruan ko nga to.

"Ahm, ano kasi eh, Minhyuk oppa~"

Damn, bitch mode on haha! Tignan natin yan kalandian mo senior.

So lumapit ako sa kanya na parang nang-aakit. At sa tingin ko tumatalab naman yun dahil nanigas lang naman sya sa kinatatayuan nya.

Hinaplos ko yung mukha nya gamit ng kamay ko. Hahaha! Nakakatawa na yung itchura nya namumula na at nagpipigil din ako ng tawa.

"Oppa~" malandi voice on. Ahahaha!

Nakita kong taas baba yung adams apple nya. Mas nilapit ko pa ang mukha ko sakanya. Akala nya siguro hahalikan ko sya kasi napapikit sya.

"San gusto mo, taas o baba?"

"b-ba-baba"

Hehehe so, baba pala ha...pagbibigyan kita.

"OOOOOOOW! Ouch! Sh* Sh* Sh*"

Bakit?

Sinipa ko lang naman yung iniingitang lahi nya. Sabi nya baba diba haha! Tumalon talon sya na parang kangaroo at nangingilipit sya sa sakit.

"Wag mo kong itulad sa mga babae mo ha Di ako kasing cheap nila"

Ayon pinabayaan ko na syang nagpipigil ng sakit. Pumasok nako sa classroom at sinara yung pinto. Hoooo kalokang buhay to, bakit ako pa napili sa dinaramiraming studyante dito?

"Ayos ka lang ba Taezel?" tanong sakin ni Vernon.

"Sana maging ayos ako, dahil sa ikabuturan ng loob ko parang gusto kong pumatay ng tao"



*MINHYUK's P.O.V*

:"(

Huhuhu walang yang babaeng yun. Pag may mangyaring masama talaga sa alaga ko at dina maka spread ng kalahi ko, I'll swear lagot talaga sya sakin. Sagot nya papa-ospital ko, di tuloy ako makalakad ng maayos. Nakakahiya sa mga girls na nakatingin sakin huhuhu! May araw talaga sakin yung babaeng yun. Gaganti ako.

Matitikman nya... ang batas, ng isang API!!

"Minhyuk, anong nangyari sayo?"

– andito pala sila Ki hyun at ShowNu. Nagtataka sila kung bakit ako maglakad. Hindi pa kasi nawawala yung sakit eh, ang lakas nang babaeng yun.

"Yung maliit nayun kasi may gawa nito eh. Tinarget ba naman tong alaga ko.ito tuloy inabot ko"

"HAHAHAHA!"

"Sige, pagtawanan nyo ko. Ang babait nyong kaibigan"

"Haha, eh kasi naman, Minhyuk angyari sa charms mo? Akala namin walang ligtas ang girls sayo?"—kihyun

"O nga, eh sa araw nato parang ikaw yata di nakaligtas"- shownu

Bwiset naman oh, humanda talaga yung babaeng yun sakin. Mapapahulog ko sya sa aking mga kamay. Bwahahahaha! *evil laugh*


Rebels vs. Good GirlsWhere stories live. Discover now