Chapter 60 Movie Marathon

68 2 6
                                    


CHAPTER 60


*MINHYUK's P.O.V*


Nakakatawa talaga yung reaction ni Shownu.

HAHAHA! alam ko naman kung anong nararamdaman nya toward SeoAne eh obvious na obvious kaya mula pano sya tumitig kay SeoAne, hanggang sa pano to mag-alala. Pinagtritripan ko lang sya.

Oy! Ngayon ko lang sya nakitang nagkakaganyan ng dahil sa babae ah. Since Highschool wala pa daw syota yong leader namin. Sakit lang daw sa ulo ang mga babae.

Pero ngayon sumasakit ulo nya kasi di nya alam pano sila magkakaayos ni SeoAne. Humingi sya sakin ng tulong, at syempre bilang butihing kaibigan ay tinulungan ko nga sya.

I give him tips. At sa mga tips nayun wala pa akong palya. Basta sakin galing, lahat ayos.



*SEOANE's POV*


Andito kami ngayon sa loob ng bahay nina Mrs. C, ito daw ang parusa nya samin after sa incident sa office nya.

Kaloka! Pinapunta nya lang kami rito para samahan lang syang mag movie marathon. Wala daw kasi rito yung hubby nya, nasa Davao kasi may business trip ito.

Gusto raw manood ng horror movie ni Mrs. C eh kaso matatakotin, kaya heto parusa daw namin.

"Eh Mrs. C pwede naman romcom panoorin mo eh" bulyaw ni Soojen. Ayaw nya raw magpunta sana dito kaso sabi ni Mrs. C ipaparating daw niya sa parents namin na gumagawa kami ng gulo sa school at pwede kaming ipa-expel.

Kaya ito. No choice. Pinapadala pa nya kami ng pantulog kasi overnight raw muna kami dito sa kanila.

Nag simula ng iplay ni Mrs. C yung movie. "Sige na minsan lang naman to eh" ika nya.

Conjuring 2 kasi yung pinapanood namin. Pak shet! Nakakagulat ang sounds effects. Di naman nakakatakot sana yung movie kaso speaker nila Mrs. C full volume eh kaya pag gulatan scene na napapasigaw kami.

Ayun si Taezel matatakotin magpapasama sana sya kay Aizany kasi naiihi na sya sa takot kaya lang si Aizany takot din umalis sa pwesto nya baka raw sundan sila ng multo sa CR.

Nag aya pa si Taezel samin kaso walang gustong sumama. Maski ako, pano ba kasi off lahat ng ilaw yung liwanag lang ng TV ang nagsisilbing ilaw lang namin para daw intense talaga.

Ang ending si Minhyuk na ang sumama sa kanya.

Si Mitch naman tsaka si Kihyun halatang halata guys ha! Makaakbay si Kihyun ah! Hindi paba sila mag-on sa sitwasyon nayan?

Sa gilid ko may love birds naman, hito nagtatago si Jooheon sa likod ni lena. "Ang Bully mong tao ka matatakotin ka naman sa multo" sita ni Lena kay Jooheon.

"Shat up! Sige pag nangyari yan sa totoong buhay mo wag mo kong tawagin ah"

"as if ikaw yung tatawagin ko"

Ewan ko sakanila, nagbabangayan pero ako naman kinikilig sa sitwasyon nila.

And ofcourse, hindi rin nakaligtas sa mata ko ang kasweetan ng dalawa. Teka lang ha, Horror tong pinapanood namin bat parang wala lang kina Yuril at Wonho?

Nagkikilitian, nagbubulongan, naghahagikhikan, minsan nahuhuli kong nagnanakaw ng halik tong si wonho, halos magyakapan na silang dalwa, oh no ito na nga nagyayakapan nanga sila. ANO TO? TEKA LANG SILA NABA? Paalala ko lang hindi to motel guys ha.

Haaayst ewan, binaling ko nalang sa ibang direksyon ang attensyon ko kaso lang kina Soojen naman at hyungwon ito napadpad. Si Soojen focus lang ang attensyon sa movie kaso nakahiga sa lap nya ay si hyungwon at may pa himas-himas pa ng buhok si Soojen kay hyungwon na parang pinapatulog nya to ng mahimbing.

Diba nila alam na ang sweet nila sa lagay nayan? I must capture dis.

"UWAAAAH!! Nasa likod lang yung multo! Nasa likod lang si Conjuring!!" sigaw sa takot ni Aizany.

"Excuse me? Hindi conjuring yung name ng multo, title lang yung ng movie" sita naman ni I.M

Pero magkatabi po sila.

"Ayan na ayan na........ UWAAAAAAAAAAH!!!!"

"hooysh! Makasigaw kitang maynatutulog dito eh" sita ni Hyungwon pero bumalik naman ito sa pagkahiga nya sa lap ni Soojen.

Tinakpan nalang ni Aizany yung bibig nya.

"Yan kasi matatakotin, halika nga dito" I.M move Aizany near him. Oh No, much closer to him. Inihilig pa nya yung ulo ni Aizany sa balikat nya.

"don't be afraid I'm here" bulong ni I'M. Kaso rinig ko naman, pano ba kasi nasa unahan ko lang sila.

Horror yung film pero mga kasama ko romance ang pinapakita. Juskoooooo!

*Yaaaaaawn* ang boring nah.

Intense naman ang movie kaso ewan naboboringan ako.

Yung mata ko parang bibigay na.

*yaaaawn* inaantok nako.

Pilit ko mang labanan ang antok pero natatalo parin ako.

Naramdaman ko nalang may mga brasong pumalibot sakin. and then.... ZZZZZZZZZ! 

Rebels vs. Good GirlsWhere stories live. Discover now