Chapter 4: To the Rescue

72 6 1
                                    

*SHOWNU's P.O.V*


Hey, ako yung hinahanap nyo kanina?

Well, andito lang ako sa paborito kong tambayan. Dito sa puno na medyo malayo sa campus at bihira lang mapuntahan ng mga estudyante. Tahimik kasi dito at payapa.

Di ako nag-aalala kung mahuli man ako sa klase. Senior college na kami at alam ko di naman talaga magsisimula agad ang tunay na klase. Nakatuon ngayon ang attensyon ng mga instructor sa mga freshman dito sa University.

Ayoko nga sanang pumasok ngayon kaso tong mga kaibigan ko pinilit ako. Ang sabihin lang nila gusto lang nilang makakita ng bagong magagandang mukha sa EastWood. Mga kalokohan talaga nila.

Matutulog na nga lang dito. U,U at ilang sandali pa nilamon nako ng antok.

.

.

.

.

.

Bigla akong naalimpungatan sa boses ng isang babae, naputol tuloy ang mahimbing kong tulog. Fishtea.

"ANO BA BITAWAN NYO KO!" sigaw nito, bat ba sya sumusigaw di ba nya nakikitang may natutulog dit- -.

What the? napabangon agad ako.

Pinapalibutan pala 'sya ng limang kalalakihan. Habang yung isa naman hawak hawak sya.

"Miss gusto lang namin ng kunting kasiyahan kaya pagbigyan mo na kami" sabi nung isang lalaki.

"Mga walang-ya talaga kayo isusumbong ko talaga kayo sa guidance... TULONG!" pagpupumiglas ng babae.

"Haha! Pananakot naba ang tawag mo dyan, well? We're not afraid" si Dylan yung nagsasalita. Ibang klase talaga ang trip ng mga to, mga babae ang pinipili nilang biktima. Marami ring takot sa grupo nila pero mas maraming takot samin. Na guidance na sila pero ito, wala parin kadala-dala.

Hinawakan naman ni Dylan yung babae mula hita pataas. The hell of you Dylan ang bastos mo talaga at walang respeto sa babae.

"Wag... pakawalan nyo nako please!" pagmamakaawa uli nya. Di ko makita ang mukha ng babae kasi nakatalikod ito mula sa sakin. Parang yung boses nya paiyak na.

Pero ewan ko ba, ayoko sanang makisali sa gulong to pero bawat paghingi ng tulong nya may urge sakin na nagsasabing tulungan sya. Kaya tumayo ako at handang harapin ang grupo nila Dylan.

"Bitawan nyo sya"

Nakita ko namang nagulat sila sa pagsulpot ko.

"ShowNu? Anaknang! Bat nakikialam ka dito?" inis na sabi ni Dylan.

"Ang sabi ko bitawan nyo sya"

"Pwede ba umalis ka nalang labas ka dito" agad namang hinarangan ako ng dalawa pa nyang alipores.

"Pag di nyo sya binitawan maghanda nalang kayo ng pangbayad nyo sa ospital"

"Alam mo ShowNu napupuno na talaga ako sainyo ha, ikaw at ang grupo mo, kaya boys nag-iisa lang yan bugbugin nyo na yan ako muna sa babaeng to" sabay kaladkad nya sa babae palayo, at naiwan ako ngayon sa mga unggoy nato.

Sila na mismo ang unang sumugod kaya wala nakong magagawa kundi depensahan ang sarili ko.

Lahat sila nagkatanggap ng suntok at sipa ko kaya tumba na agad ang mga gago. Mali kasi sila ng kinalaban eh.

Agad ko namang sinundan kung saan dinala ni Dylan ang babae. At luckily nakita ko sila papunta sa budega ng campus kung saan tinatambak ang mga sirang gamit ng school.

Rebels vs. Good GirlsWhere stories live. Discover now