Chapter 45: Beauty and Bakulaw moment part 2

41 4 0
                                    

*JOOHEON's P.O.V*

"Ano bayen! Bakit walang dumadaang sasakyan o kahit taxi o kahit na trisikel man lang" pagrereklamo ng maarteng babaeng to.

"Kasi nga mag aalas dyis na at malapit na ang curfew" paliwanag ko para maliwanagan sya. Bwisit na KiHyun yun. Akala ko sa MX nya ko daldalhin eh, kung alam ko lang to sana di nalang ako sumama Sheteng pandak nayun.

"Pano to" ika nya.

"Edi maglakad problema ba yun?" tas nauna nakong naglakad sakanya.

"problema talaga noh, eh malayo kaya yung samin dito, Haller!" sigaw nya. Dahil sa lakas ng boses nya nagalit tuloy yung aso at kinahulan sya ng todo.

"WAAAH!! Peace tayo doggie doggie..." sabi nya sa aso. Naglalakad parin ako at sya nasa likoran ko lang. Bahala sya malapa ng aso, diko nayun kasalan, tsaka... aso lang yan noh. Pwera nalang kong may phobia sya dyan.

"WAAAH! BAKULAW TULONG!" muntikan nakong matalisud ng dahil sakanya. Eh bigla ba naman pumulupot at sumisiksik sakin.

Pagsasabihan ko sana sya pero may nakita kong limang aso na papalapit samin at galit na galit. Agad ko syang hinatak at tumakbo kami ng mabilis. Okey lang sana sakin kung isa lang kaso lima silang mukhang german shepherd sinong di tatakbo nyan sa takot.


Ilang metro nang natakbo namin at patuloy parin sa paghahabol ang mga aso. Naghihingalo na kami pariho at dina kaya ng mga legs ko pa ang layo.

"May taxi! Dali sakay tayo don" sabi ko, laking pasalamat namin at may nakaparadang taxi sa kanto.

"Manong sasakay kami!" sigaw nya. Agad ko namang binuksan yung pinto ng taxi at nagmadali kaming pumasok saloob. At nagtagumpay kami, pero yung mga aso kahol parin ng kahol sa labas.


"Manong, sa Balico Drive 1 hatid muna tong babaeng to" sabi ko sa taxi driver.

"Teka? P-pano mo nalaman na don ako nakatira?" tanong nya sakin. Napakamot tuloy ako sa batok. Bakit ko ba nasabi yun? >,<

"Ahh... ano kasi... ahmm..." nako, anong sasabihin ko?

"ANO NA? Hoy! Bakit nga?" pangungulit nya.

"Kasi ano... yung... aso ko naligaw don... tas ano... Aish! Bakit ba! Eh sa alam ko lang problema ba yun? Gusto mo nang umuwi diba kaya manahimik ka nalang dyan! kung di kalang kasi nag-iinarte kanina di sana tayo hahabulin ng mga asong yun!"

Haay kainis.

"Anla? Kaw ha! Stalker ka no?!"

"Manahimik ka nga sabi eh! Ako? Mukha ba kong stalker? Mukha mo!" tas diko na sya pinansin. Kaasar, di makaintindi ng tahimik.

Ilang sandali pa ay nandito na kami sa tapat ng bahay nila sa Balico Drive 1. Kung bakit alam ko bahay nila? Secret muna... bleeeh!

"Paalam sayo bakulaw, manong sakanya mo na singilin ang pamasahi ko ha!" tas agad syang tukambo paalis ng taxi at humarorot papasok sa bahay nila.

"Aba't HOY! Bumalik ka dito!" kainis... naisahan ako ng babaeng yun ah. Ako pa ngayon ang magbabayad ng pamasahi nya. Ito tuloy wala nakong magagawa, alangan namang kuyugin ko bahay nila idemanda pako kung ganun. Sinabihan ko nalang si manong san ako ibababa at siningil nya yung kabuohan bayad.

Aish! Yung babaeng yun talaga. 

Rebels vs. Good GirlsWhere stories live. Discover now