*I.M's P.O.V*
Its uwian time!
"Guys, mauuna muna ako sainyo" sabi ni Ki Hyun pagkatapos nyang magligpit ng gamit. Sya lang tong may paki ng kunti sa pag-aaral samin eh. Si HyungWon naman may tinatagong katalinohan pero tamad naman.
"San lakad mo?" tanong ni Minhyuk.
"May... ahmm, ano...kasi..." tas kamot nya sa batok.
Bat parang nahihiya syang umamin?
Napansin naman ito ni Jooheon kaya inakbayan nya ito. Lahat kami nakatingin lang kay KiHyun at nagaabang ng sagot.
"Mag re-review ako. Kasama yung babaeng yung" ayan umamin rin. Pero ano daw?
Kasama yung babaeng yun?
"huh??" kaming lahat
Ang ibig nyang sabihin napapayag sya na mag tutor sakanya ang second year nayun?
"Oo na, alam ko na anong sasabihin nyo. Alam nyo naman ang nanay ko diba, maintindihan nyo sana ako, tsaka, wala namang masama mag-aral paminsan minsan diba. Wag nyo namang isipin na titiwalag ako sa grupo dahil lang dito noh"
Walang nakapagsalita agad samin. Until sumang-ayon nalang din si ShowNu.
"Naintindihan ko Ki Hyun, ako rin pupunta pako ng ospital. Tayo na?" tas ayun sabay na silang lumabas ni KiHyun
Sumunod naman sila Jooheon at HyungWon.
"Ako rin magliligpit pala ako ng mga gamit dahil lilipat kami ng bahay" ika ni Wonho.
"San naman kayo lilipat?" tanong ni MinHyuk na nakakabit na ang bag sa likod nya.
"Diko pa alam eh. Sige una nako dipa tapos si I.M magsintas ng sapatos eh abotin pako ng hating gabi kakaintay matapos yan"
"Kaw kaya may NBA na sapatos" lokong labanos nato.
Yeah, ang bagal ko magsintas ng sapatos. Kanina ko pato inaayos eh kasi may style ang pagsintas nito. Pano na nga yun?
"I.M hayan mo na yan ayos nayan, nauna na tuloy si Wonho eh"
"Teka lang"
Ayan tapos na.
"ewan ko sayo I.M, para pagsintas lang ng sapatos eh"
Diko nalang pinansin ang sinasabi nya at tuluyan na kaming lumabas ng room.
Naglakad na kami ngayon patungo sa hallway ng nagsalita tong blondeng lalaking kasama ko.
"I.M handa kana ba sa review kasama ang tutor mong first year lang?" napaisip naman ako. Handa ba ako?
Naalala ko tuloy yung babaeng yun.
Naalala ko tuloy yung nagbungguan kami
Naalala Ko Tuloy Ang mga Sinabi nya Non!
"Ah? Ikaw ba. Handa kana?"
"Ang galing ng sagot mo, binalik mo lang sakin ang tanong ko"
Whatever -__-
"Ako? Ewan ko lang. Ininis ko kasi si Miss Liit eh tas may sinabi pa ako sakanya. Di kami magkasundo nun"
O edi sumagot din sya. Ang galing nya rin.
"Ewan ko rin sayo Minhyuk,"
Nasa labas na kami ng gate. At humiwalay na ng landas si Minhyuk may pupuntahan pa raw sya.
YOU ARE READING
Rebels vs. Good Girls
FanfictionPaano kaya mapapabago ng mga girls ang campus rebels. At kung ano ang epekto ng mga boys sa buhay ng mga girls. Starring Monsta X and Girls Attitude (Yuril, Soojen, SeoAne,Lena,Micheca,Aizany,Taezel)