Chapter 7: Cutting Clases

76 6 1
                                        

Thursday ngayon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Thursday ngayon. Ngayong araw din ilalabas yung episode 24 ng Era's Case Files. Inaabangan ko yon. Kahit noong nagtatrabaho ako ay pinapanuod ko yon dahil may tv naman sa cafe. Mukhang mami-miss ko ang episode ngayon ah.

Wala kaming exam or ability test pero nandito kami ngayon sa simulation room. Kailangan namin i-monitor yung ability namin dahil malapit na ang ability test. May platform sa gitna at doon malaya kang gamitin ang ability mo dahil may barrier naman yon.

Kinabahan pa ako kanina dahil baka 1 vs 1. Ano namang laban ko di ba? Bago pa lang ako dito at sila panigurado marami na silang natutunan.

Nakita ko sila Jaz at kumaway ako. Si Jaz ay may extraordinary strength. Si Farshia naman ay earth manipulator at si Kyren naman ay may elastic ability. Kumaway din sila pabalik tapos ay bumalik din sa pagkukwentuhan.

Balak ko sana umupo sa tabi nila ng magsalita si Zero.

"They don't want you in their group."

Napalingon tuloy ako sa kanya. Hindi sya nakatingin sa akin at busy sa pag-aayos ng kanyang gloves.

"Ha?"

"I heard them."

Ano daw? Tiningnan ko naman sila Jaz na nagtatawanan tapos ay tumingin naman ako kay Zero. Mukhang naman silang mababait. Isa pa inaya nga nila ako sa lunch noong first day ko dito.

"Did I do something?" I asked and he shrugged.

Hindi ko na tinuloy ang paglapit ko sa kanila. Baka nga may nasabi akong hindi maganda noong kumain kami ng lunch. Ano bang malay ko? Hindi pa naman ako pamilyar sa mga tao. Nanatili na lang ako sa tabi ni Zero.

Nakatingin ako kay Ram na nasa harapan. Tingin ko okay na kami ni Ram dahil tinanggap nya yung peace offering ko.

'Ate, I gave Lola a flower and she forgave me. I think you should do that too.'

Naalala kong sabi ni Ry sa akin kaya naman noong nagalit si Ram ay binigyan ko sya ng milkshake. Nakikita ko kasi ang sarili ko kay Ram na walang kaibigan. Mabuti na lang at makulit si Maki kaya naging close kami. Naisip ko tuloy na kulitin din si Ram para magkaroon sya ng kaibigan.

Naisip ko tuloy tong katabi ko na never ko pa atang nakitang may kasama.

"Zero, wala ka bang friends?" Nilingon ko sya.

Nakatingin lang sya sa harapan. Mukhang wala syang balak sagutin yung tanong ko.

"I don't need one."

Mabilis akong napalingon sa kanya. Seryoso ba ang isang to? Ako nga ngayon lang nagkaroon ng social life e. Tapos sya na mukhang matagal na syang may opportunity makipagkaibigan ay ayaw nya?

"Why? Ah siguro niloloko mo lang ako no? Kasi yung damit na pinahiram mo ay may nakalagay na 'Tech Department'. Siguro sa friend mo yon."

"Doon ako galing."

Deitrem (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon