Chapter 18: Meet My Dad

33 6 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


5 o'clock na. Dirediretso lang ako paakyat sa kwarto ko. Nagmadali pa ako kasi kailangan kong makatulog kahit dalawang oras lang. May training pa mamaya. Kailangan ko ng energy.

Kung bakit ba naman kasi hindi ko inisip na doon na lang and diretso. Masyado akong fixated sa 'bahay' kaya ayan, sa sala tuloy bagsak ko.

Nakarinig ako ng pagtikhim kaya napatalon ako sa sobrang gulat at halos pumunta na sa lalamunan ang puso ko sa takot na baka multo yon o ano.

Dahan dahan akong lumingon at hinanap kung saan galing yon. Nakita ko si Daddy na naka-cross arms at si kuya Reiji na makasilip mula sa kwarto niya. Teka, hindi ko alam na uuwi sila ngayon! Napalunok ako ng makita ko ang mukha ni daddy na seryoso. Nakagat ko na din ang ibabang labi ko kasi di ko alam kung saan ko sisimulan ang pagpapaliwanag.

"Bakit ngayon ka lang? Where have you been?"

"How to explain this?" bulong ko sa sarili ko. Since hindi ko na alam kung pano simulant ang kwento, I just summarized it. "Dad, I came from the past." Seryosong sabi ko sa kanya.

Napakunoot ang noo ni Daddy at gulong gulo. Si kuya Reiji naman, tinaasan lang ako ng kilay.

"Ram, anak, just tell me the truth."

"I just did."

"That alibi won't work. You have to have a better alibi."

Sunod sunod na iling ang ginawa ko and winave pa ang kamay ko. "No Dad. I'm telling the truth. May time machine po kasi yung kaibigan ko, aksidenteng nagamit namin so yeah, I just had an unbelievable adventure."

Tinignan ako ni dad na parang alien ako. Di parin siya naniniwala.

"Anak, ang gumagawa ng kalokohan, ang normal na uuwi sa umaga, alas 3, hindi alas singko."

Bigla namang may nagbukas ng pinto at nakita namin na pumasok si kuya Spander. Nanlaki pa ang mata ko ng makita siyang umuwi. So naalala pa pala niya na may bahay siya dito.

Pinanood lang namin siya dahil sa shock hanggang sa naka akyat siya dito. Una akong nakarecover sa aming tatlo.

"Ibig sabihin, hindi rin po normal si kuya Spander kasi alas singko din umuwi."

Sinamaan ako ni Kuya ng tingin tapos sinaklob niya sa akin yung jacket na gamit niya. "Hindi naman ako gumagawa ng kalokohan." Sabi niya sa akin. Binati niya si Daddy bago nag dire-diretso sa kwarto niya. Sana ako din makatulog na.

Tumikhim ulit si Daddy kaya bumalik sa kanya yung atensyon ko.

"Ram... I think it's time for me to meet your friends. I want it to be later."

Sabi niya at tinalikuran niya ako. nakakailang hakbang palang siya ng lumingon siya sa akin.

"And that time machine too."

Deitrem (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon