Chapter 43: Dispatchment Trouble

31 4 0
                                    

Ramjee's POV

It's been a week since sumalakay ang Estermead.

Busy ang lahat sa pag aayos ng dapat ayusin. Unti unti nang bumabalik sa dati ang Ashwick. I guess everyone is keeping themselves busy to forget what happen.

The siren starts blaring kaya nagmadali na kaming pumunta sa Eternal Tree. As the name implies, it never dies. Gumawa sila ng malaking plaque malapit don tapos nakasulat doon pangalan ng mga namatay.

It's time now to pay tribute and respect to those who died.

Ironic nga eh. Yung Eternal Tree nasa center yun ng Ashwick's cemetery, pero it symbolizes life. Well, sabi nila it's for the souls to feel as if they never died too.

Andito ang mga namatayan at ang iba na gustong makiramay. Andito din kaming lima to pay respect. We did see and experience firsthand how Ashwick turned hell.

Nagsimula na din yung 21 gun salute and other ceremony. Saka kami nagpalipad ng balloons lahat then isa isa na ding nag alisan ang mga tao. I stayed though...

"Ram, tara na?" tawag sa akin ni Nix. Pinuntahan na din naman ako ng mga kaibigan ko.

Umiling lang ako. "Mauna na kayo. May pupuntahan pa ako...Bye!" kumaway na ako at tumakbo na paalis.

I wonder kung nakadaan si Daddy at sina kuya? Umalis na kasi agad sila. Sobrang busy na nila dahil sa mga meetings kaya madalas wala na naman ako kasama sa bahay. Well mas ok na siguro yun at least safe yung secret ko.

Maya maya pa nakadating na din ako sa grave ni mommy. Nakita ko na may mga bulaklak na din doon. Dumaan na nga sina Daddy.

Mas lumapit ako sa grave at nag Indian seat na.

"Hey mom. Alam niyo naman na po nangyari sa Ashwick diba? Nakwento ko na po nung nakaraan. And for sure naikwento na ulit nina Daddy. Nag pay tribute lang po kami sa mga namatay kanina kaya ayan, dinalaw na kita ulit."

"Mommy dito muna ako ah? Ayaw ko umuwi baka kasi ikulong ako di Daddy sa basement. Hahaha! Protektahan mo na lang ako sa mga multo."

Kinausap ko lang ng kinausap si mommy. Nagulat na lang ako nung naglapag ng bulaklak at nagtirik ng kandila sina Nixon.

"Anong ginagawa niyo dito tsaka pano niyo nalaman na nandito ako?"

"Edi dinadalaw din mommy mo. Siya lang naman pupuntahan mo dito. Hahaha!"

Inirapan ko lang si Nixon. "Tamo mommy? Ang bully niya no? Dalawin mo nga."

"Hahaha ang bait ko po kaya!" umupo na din siya sa tabi ko. Pati sina Harm, ganon na din ginawa.

"Si Harm nga po pala, tapos si Zero then si Clovis. Mga kaibigan ko. mababait po sila, si Nix lang hindi." Isa isa ko din silang tinuro. Siniko ako ni Nix dahil sa sinabi ko.

"Kaya pala hindi ko nakikita mommy mo. Sorry." Sabi ni Harm kaya ngumiti lang ako.

"Nako ok lang. Hahaha! Ang tagal nang wala ni mommy. 3 palang ako nung nawala siya. Di ko na nga maalala mukha niya sa sobrang tangal na eh." Tumango naman sila doon.

Tumayo na ako at pinagpag ang sarili ko. Nagsitayuan naman na din sila. Gumawa din ako ng ice flowers para iwanan kay mommy.

"So yeah. Sa susunod na lang po ulit. Bye mom." Sabi ko at niyaya ko nang umalis mga kaibigan ko.

***

"12 na pala. Tara kain na tayo. Gutom na ako eh." Pag aaya ni Clovis. Nagsipag agree naman kami kaso si Zero pupuntahan daw muna si Bre.

Deitrem (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon