Chapter 10: Let's All Be Friends

57 7 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Nasa cafeteria kami ngayon. Magkasama kami ni Zero umorder. Sila Ram and Nixon kasi may order na e kami wala pa so kami na lang bumili.

Nakita ko naman sila Jaz sa malapit na table kaya kinawayan ko. Hindi naman nila ako pinansin. Hala? Baka hindi lang nila ako nakita.

"Bakit kinakawayan mo pa sila?" tanong sa'kin ni Zero.

Nakapila pa kami para bumili. "Bawal ba sila kawayan?" Takang tanong ko.

Hindi naman kasi sinabi nila Jaz na bawal pala sila kawayan. "Never mind." Walang ganang sabi nya.

Bumili lang kami ng mga pagkain at bumalik na sa table namin.

"Gutom na ko." Reklamo ni Ram. Binigay ko na kanya yung inorder nya.

Bigla namang dumating si Clovis. "Sakto lang pala ang dating ko. Kainan na."

Kukunin na sana ni Clovis yung sandwich kaya lang tinapik ni Zero yung kamay nya. "Bumili ka ng sayo."

"Grabe ang damot. Penge na lang ako, Nixon." Biglang kinain lahat ni Nixon yung pagkain nya.

"Sowri, ubossh na." Dahil puno yung bibig nya kaya ganyan sya magsalita.

Napapout na lang si Clovis. "Wala na akong pera. Pahingi, Ram." Hindi sya pinansin ni Ram dahil kumain sya.

Gutom na nga pala si Ram kaya seryoso sya sa pagkain nya. Inabot ko kay Clovis yung sandwich ko.

"Salamat, Harm!" sabi nya sabay ngiti tapos kinain na nya yung sandwich.

Nakatingin lang sakin sila Ram. "Bakit?" nagtatakang tanong ko.

"Bakit mo binigay?" tanong ni Ram sa'kin.

"Kawawa naman si Clovis. Wala na syang pera pambili e."

Bigla namang natawa si Nixon tapos napaubo si Clovis kaya inabutan sya ni Ram ng tubig.

"Inosente talaga." Narinig kong bulong ni Zero.

Sino yung inosente? Si Ram ba yun? Wag ko na lang kaya isipin baka kasi sumakit lang yung ulo ko.

Umokay na rin naman si Clovis. "May training kayo mamaya?" tanong nya.

Oo nga pala. Patuloy pa rin ako sa pagtraining. Nagiimprove naman syempre. Malapit na kasi yung susunod na ability test. Sana mapasa ko kasi kung hindi goodbye allowance.

Isa pa, nakakahiya naman kay Zero na maccut din yung allowance nya dahil sa'kin.

Lagi na kaming magkakasama na lima. Kapag training ko minsan pumupunta si Clovis kapag hindi sila busy sa Tech.

"May training kami mamaya. Pupunta ka ba, Clovis?" tanong ni Ram sa kanya.

Tumango naman si Clovis. "Wala ka namang ginagawa dun. Wag ka na pumunta." Sabi ni Nixon sa kanya.

Deitrem (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon