Chapter 19: Bungee Jump

40 6 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Pinatawag kami ni Sir Rocco dahil may ipapagawa daw sya. Actually, Sunday ngayon dapat free day namin.

Inaantay namin sya dito sa may gate ng school. Sarado kasi ang school ngayon. Hindi sila nagpapapasok ng studyante kapag sunday kahit na pinapatawag kayo.

"Ano na naman kayang ipapagawa nun?" Tanong ni Clovis.

Hindi naman talaga pinatawag si Clovis. Kaming apat lang pero tinawagan ni Ram si Clovis. Sabi nya pinapatawag daw sya ni Sir Rocco.

Ayaw nga maniwala ni Clovis. Kahit ako hindi naniwala kasi wala namang nabanggit si Sir Rocco na kasama si Clovis. Pero sabi nila Ram na dapat daw secret lang namin na walang sinabi si Sir kaya sige.

Hindi naman masama magsecret di ba? Masama magsinungaling sabi.

Nagpipigil naman ng tawa si Nixon kaya siniko sya ni Ram. Anong nakakatawa?

"Basta sabi ni Sir may ipapagawa daw sya. Antayin na lang natin." Sabi ni Zero na nakaupo sa gilid.

Ilang minuto pa dumating din si Sir. Nagulat sya ng makita nya si Clovis.

"Ba't nandito ka, Mr. Willner?"

Napatingin tuloy si Clovis sa'min. Bigla namang natawa sila Ram.

"Sabi nya po kasi tutulong daw po sya sa ipapagawa nyo." Natatawang sabi ni Nixon.

Bigla syang binatukan ni Clovis. "Sabi nyo pinapatawag ako ni Sir."

"Nandito ka na rin lang tumulong ka na. Oh bilhin nyo lahat ng nandyan at idaan sa bahay ko. Ito ang pera." Inabot ko yung papel kay Sir at si Ram ang kumuha ng pera.

Nang makaalis si Sir, pinagtulungan sila ni Clovis kaso nga lang isa lang sya, tatlo sila so wala rin.

Binasa ko yung nakasulat sa papel. "Bakit puro pagkain?"

Tiningnan naman nila yung papel. "Naisahan tayo nun a. Tayo pa pinamalengke nya." Pagrereklamo ni Ram.

"Mamamalengke lang pala tayo? Ang dami ko pang gagawin sa lab." Napakamot si Clovis sa batok nya.

"Hindi nga ako namamalengke sa'min." Nagrereklamo na naman si Nixon.

"Kahit din naman ako. Kumakain lang ako sa labas minsan." Sabi ni Zero.

Napatingin tuloy sa kanya lahat. "Bakit? Hindi ako marunong magluto at isa pa walang tao sa bahay lagi."

Napatango naman kami. Nasabi nya nga pala dati na hiwalay yung parents nya and sa Daddy nya sya nakatira. Siguro laging busy yung Daddy nya kaya ganun.

Biglang tumawa si Ram. "May naisip ako."

"Ano na naman yan, Ramjee?" Napasimangot naman si Ram kay Nixon. "Wag mo nga akong tawaging Ramjee. Nakakaasar kasi pag ikaw yung tumatawag."

Deitrem (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon