Harmony's POV
Magii-start na ang maze game. Kami ni Zero ang napili nilang representatives. Buti naipanalo nila Ram yung game kanina kahit na wala din silang mga tulog.
Nakapikit ako habang sinasabi yung mechanics ng game. Siniko naman ako ni Zero. "Gising."
Sya nga pala ang nagdala sakin sa medicube kanina bago magstart ang game. Si Ram sana kaso nga yung game nila yung una kaya pinagpahinga na muna sya.
"Nakikinig ka ba, Harm?" Tanong nya sa'kin. Tumango lang ako bilang sagot.
Naintindihan ko naman yung mechanics. Sa game na to, sabay kaming papasok sa entrance ng maze pero paghihiwalayin kami neto. Kailangan naming mahanap ang isa't isa para sabay na lumabas ng maze. Akala ko madali lang pero narinig ko may mga traps daw sa loob. No levitation and teleportation ability. Useless lang daw yun kapag may nagtangkang gumamit.
Kung sino ang mauuna mas mataas ang score, may mga scores din kapag sumunod.
By pair to so 8 kaming lahat. Nagsimula ng pumasok yung mga Clearions then yung Meadians tapos kami na.
Sabay kaming pumasok ni Zero pero ngayon mag-isa na lang ako. Bigla namang tumunog yung badge na bigay ni Clovis sa'min. Allowed to sa kahit na anong games.
"Harm?" Rinig ko yung boses ni Zero sa badge. "Oo si Harm to." Napatango naman ako kahit hindi nya ako nakikita.
"Nasan ka?" Tumingin ako sa paligid. Ngee, paano ko malalaman e puro pader lang to. "Pader lang nakikita ko walang signs."
"Ugh. Ganito na lang wag kang aalis dyan okay? Hahanapin kita."
"Alam mo kung nasan ako?" Ang galing naman nya alam nya kung nasan ako.
"Hindi kaya nga hahanapin kita. Okay?"
"Okay."
Hahanapin daw ako ni Zero at wag daw ako aalis kaya umupo muna ako sa gilid at pumikit.
"Ashwick!" Nagising ako dahil sa sumigaw. Nakita ko papalapit yung lalake na Clearion sa'kin. Naglabas naman sya ng mga bato sa kamay nya.
"Anong gagawin mo?" Tanong ko sa kanya tsaka ako tumayo. He just smirk. "Going to eliminate you in this game."
Eliminate? Teka wala yun sa mechanics a. Nahalata naman nya na nagtaka ako. "Mukhang lutang ka yata. Hindi mo ba narinig na kapag may naeliminate ka wala na ang chance nyo na manalo dahil kailangan pair kayong lalabas." Mahabang paliwanag nya sa'kin. Nakalapit na nga sya sa'kin e.
Bigla nya akong inatake ng mga rocks kaya napatalon ako paatras. "Goodbye. Ashwick" confident na sabi nya at nagsmirk na naman sya.
"Harm! Anong nangyayari?" Rinig na sigaw ni Zero sa badge.
"Sabi nya ieeliminate daw nya ako sa game." Sagot ko kay Zero habang patuloy na umaatras dahil sa atake ng Clerion.
Biglang may lumabas na malaking bato mula sa lupa kaya napatalon ako. Sakto namang landing ko sa ibabaw nung malaking bato. Bigla syang nag snap kaya nadurog yung bato kung saan ako nakatayo. Na out of balance ako dahil doon at natumba.
"Farewell, Loser!" Sabi nya. Napansin ko naman na parang kumulimlim. Nang tingnan ko sa taas isang napakalaking bato na pala ang handang bumagsak sa'kin.
Nilevitate ko yung bato pero pilit nyang pinapabagsak sa'kin. Dahan-dahan akong tumayo habang patuloy na pinipigilan yung pagbagsak nun. Bigla namang sumabog yung bato kaya pareho kaming napaatras.
"Harm! Sa inyo yun galing?" Boses ni Zero mula ulit sa badge. Sad to say pero walang tracker tong badge dahil hindi daw pwede yun.
"Yes." Yun lang nasabi ko dahil nagsisimula na naman syang umatake. Naglabas na rin ako ng air blades at binato yun sa kanya. Tumatama lang yung air blades na yun sa mga rocks na hinahagis nya sa'kin.
BINABASA MO ANG
Deitrem (Under Revision)
Fantasy1 country, 4 regions, Different perspective Who's right and who's wrong? In a country where dispute rises, would you still adhere to what you believed in?
