Chapter 12: Deitrem Magic Tournament

66 7 0
                                    

Abala ako sa pagbabasa ng libro at notes ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Abala ako sa pagbabasa ng libro at notes ko. Kailangan kong pag igihan ang pag aaral. Mamayang dismissal, pupunta ako sa mga training rooms para mag train. Sino kaya ang pwedeng yayain sa sparring mamaya?

Naramdaman kong may kumalabit sa akin kaya tumingin ako sa likod ko. Nakita ko si Harm kaya nginitian ko agad siya. Kinuha niya yung upuan ni Zero at nilapit sa akin. Wala pa naman kasi si Zero.

"Bakit busy na busy ka? May exam ba tayo ngayon? Hindi pa naman ako nakapag review."

Umiling ako sa kanya. "Don't worry, wala tayong exam. Nag aadvance review lang ako para sa Midterms next week."

"Ang sipag mo naman. Next week na ako mag rereview eh."

"Kailangan handa ako. Hindi ako sasabak sa gyera ng walang bala, espada, kalasag at kung ano ano pa."

Napakunot naman ng noo si Harm sa akin. "Huh? Sino ba kalaban mo at saan ka makikipaglaban at kailangan mo ng mga armas?"

"Si Nixon. Next week ang gyera naming para sa midterms." Lumingin lingon naman ako sa paligid. Wala pa si Nixon.

Tumingin ako kay Harm. "Alam mo kasi, yan si Nixon, hindi nag rereview yan. Hindi mo yan makikitang magbuklat ng notes. Kaya eto, ngayon palang nag aaral na ako para matalo ko siya. Daig ng masipag ang matalino."

Naimagine ko ang itsura ni Nixon na umiiyak at lumuluhod sa harapan ko. What a concept. Next week maisasakatuparan ko to.

Napangiti ako sa naisip ko. I also chuckled lightly. Titig na titig naman sa akin si Harm. Naramdaman ko na lang na may umakbay sa akin.

"Alam mo, kahit hindi ako mag aral, matatalo parin kita. Last prelims nag top ako pero hindi din naman ako nag aral. Daig parin ng matalino ang masipag." Sabi ni Nix sa akin ng nakangiti. Kinindatan pa niya ako. "Itigil mo ang pag iimagine diyan. Natatakot na si Harm sa expression mo."

Sinubukan ko siyang sikmuraan kaso mabilis siya kaya fail na naman. Tumayo na ako para batukan siya kaso pumasok naman na si Ms. Frosh sa room kaya nagmadali ng bumalik sa kanya kanyang pwesto mga kaklase ko.

May dalang malaking metal case si Ms. Frosh na ikinataka naming lahat. Agad naman niya iyong binuksan at may inilabas na hologram. Nagkatinginan lahat ng students sa isa't isa at nagsimula ng magbulungan.

Pinatahimik kaming lahat ni Ms. Frosh saka siya tumikhim. "The Head of Military Department have some announcements."

Dahil sa sinabing iyon ni Ms. Frosh, lalong lumakas ang bulong bulungan namin. Sa ikalawang pagkakataon, pinatahimik niya kami. Pinindot na niya ang power ng hologram at lumabas doon si Mr. Rens na nakaupo sa office niya. Napunta sa kanya lahat ng atensyon naming at mabilis na tumahimik ang paligid.

Tumikhim muna si Mr. Rens at umayos ng upo. "Good day students. I'll make this quick as much as possible. You are all aware that midterms are just around the corner. And so is Deitrem Annual Schools of Magic Tournament."

Deitrem (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon