Chapter 31: Are You Avoiding Us?

31 3 0
                                    

Harmony's POV

Lunch break na ngayon. Balik na sa dati lahat pero may araw na wala kaming teacher. Inaayos ko pa yung gamit ko ng ayain ako ni Ram. "Harm, tara na. Nagugutom na ako." reklamo nya habang nakahawak sa tyan nya.

"Matakaw ka lang talaga." Sabi ni Nixon na biglang tumabi kay Ram. Sinamaan sya ni Ram ng tingin at nagsimula na naman ang batuhan bola nila.

Bigla namang tumayo si Zero sa upuan nya at nauna ng lumabas. Nagkatinginan pa kaming tatlo bago tumakbo si Nixon para sundan si Zero. Binitbit ko na yung bag ko at naglakad na kami ni Ram palabas.

Nakasalubong namin si Nixon na pabalik habang umiiling.

"May gagawin daw." Sabi niya sa amin.

"Hindi sya maglulunch?" tanong ni Ram sa kanya. Nagkibit-balikat na lang si Nixon sabay sabi ng "Ewan ko. Hindi ata."

"Baka madaming pinapagawa sa kanya or baka may violation sya tapos naparusahan ganun. Ibili na lang natin sya ng pagkain mamaya." Tumango naman silang dalawa at naglakad na kami papuntang cafeteria.

Nang makarating kami sa cafeteria nandun na si Clovis at kumakaway sa'min. Lumapit kami sa kanya at doon na umupo.

"Si Adler?" Tanong nya sa'min.

"May gagawin daw e." si Ram na ang sumagot sa tanong nya. Napakunot-noo naman si Clovis. "Na naman? Ilang araw na yun a 3days?" Nagtatakang tanong nya.

3 days na nga simula ng maging busy si Zero. After nung encounter namin with Head pillar kinabukasan naging busy na sya. Hala siguro nga nagka violation sya dahil sa'min tapos inako nya lahat ng violation.

Umorder na kami ng foods tsaka bumalik sa upuan. Hanggang matapos ang lunch break pinaguusapan nila kung ano yung pinagkakaabalahan ni Zero.

Sinabi ko yung possibleng nangyari at um-oo, tama, baka yun nga, naman sila. Binilhan namin ng pagkain si Zero at bumalik na sa room. Wala pa sya doon kaya binigay sa'kin nila Ram yung pagkain dahil magkatabi naman daw kami ng upuan.

Dumating sya ng sakto lang. Lalapitan sana sya nila Nixon kaya lang dumating din yung teacher kasunod nya. Inabot ko sa kanya yung mga pagkain na binili nila.

"Ano yan?"

"Binili namin para sayo baka daw hindi ka pa kumakain kasi busy ka."

Akala ko tatanggapin nya yung pagkain kaso binalik nya yun sa'kin. "Salamat na lang pero kumain na ako." Nagfocus na sya sa harap. Hindi ko tinanggap yung pagkain dahil para sa kanya yun kaya nilapag ko yun ulit sa table nya.

"Sayo yan. Kumain na din ako." Binalik nya sa'kin ulit kaso binalik ko ulit sa kanya. Hindi naman ako si Zero kaya dapat sa kanya yun. Napansin tuloy kami ni Miss Tanda kaya napagalitan kami.

"Wag nyong gawing bola ang pagkain. Pati ba naman pagkain paglalaruan din?"

Bumulong naman si Zero ng "Hugot." Anong hugot? Kinuha rin nya sa huli yung pagkain. Nagthank you din naman sya. Nagfocus sya ulit sa harapan.

Nung uwian, inantay naming si Zero sa labas ng room para hindi na sya makatakas kaso nung tiningnan naman namin wala na sya doon.

"Nakakapagteleport nga pala ang loko." Sabi ni Nixon at ginulo yung buhok nya.

Umuwi na lang kami dahil wala rin.

***

"Zero, naparusahan ka ba?" tanong namin sa kanya. Nakayuko sya doon at halatang puyat. Buti wala pa yung teacher at nacconfront pa namin si Zero.

Deitrem (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon