Halloween Special Chapter
Enjoy reading!
******
Ramjee's POV
'Post-victory celebration: Camping
It would be fun! Hahaha
For more info please contact Finn'
Huh? Camping? Ibig sabihin... Bonfires! Barbeques! Smores! Fun stories! Wilderness!
Whaaaaaaaa!! Sasama ako! Sasama talaga ako!
Tinawagan ko naman agad sina Harm at niyaya silang sumama. Pumayag naman sila kaya nagreply na ako ng 'count me in' sa message sa akin kanina.
Nagkita kita kami sa Central ng mga bandang 4.
"Buti na lang at walang KJ at sumama ang lahat." Sabi ni Dylan, senior representative.
"Tama tama! Pati sina Kelvin at Nayde sumama din. Maganda yan. Mag bagong buhay na kayo." Sabi naman ni Finn, senior representative din.
"Baka hindi sumama eh kami nga yung nag suggest." Sagot naman ni Nayde.
Pumalakpak naman si Rika, ang nag iisang babae na senior representative.
"Guys tara na. Magdidilim na oh." Sabi niya at nagsimula ng maglakad. Inabot naman niya yung dala niya kay Jake.
Sinundan na din namin siyang lahat. Nakarating kami sa camp site ng mag aalas singko na.
May kumalabit sa akin at nakita ko si Clovis.
"Look. May sign na private property." Tinignan naman namin yung sinasabi ni Clovis at oo nga meron nga.
Agad naman yung tinalikod ni Abe pero no use nakita na namin eh. Humarap naman si Nayde sa amin.
"Kaya mas masaya ang camping." Sabi niya ng naka evil grin. Kung may black aura lang na pwedeng lumabas sa kanya, lumabas na yun.
Nagkibit balikat na lang kami at sinundan na ang mga seniors.
***
Nakapalibot kami sa bonfire ngayon. Nagto-toast din kasi kami ng smores.
"Ghost stories telling tayo!" suggest ni Blaze tapos nagsipag agree naman yung iba. Napalunok na lang ako tapos napahawak sa shirt ni Clovis. Siya kasi yung nasa kanan ko.
"Aray naman Ram. Wala pa ngang kwento eh." Sabi ni Clovis
"Ahem!" napatingin naman kami kay Finn.
"Ang kwentong ito ay kwento ng mag dorm mates na sina Jenna at Lara. May nagyaya kay Jenna para sa party. Niyaya niya si Lara kaso sabi ni Lara magaaral daw siya para exam nila bukas. Hinayaan na lang niya si Lara at iniwan siya doon at umalis na nga siya. Bumalik siya ng mga bandang alas dos. Bubuksan sana niya yung ilaw kaso naisip niya na baka maistorbo si Lara kaya nagdire-diretso na lang siya sa kama niya at natulog. Then kinabukasan nakita na lang niya si Lara na patay na at punong puno ng dugo yung kama. Sa may dingding, nakasulat sa dugo ang 'Aren't you glad you didn't turn on the lights?'
Kinilabutan ako sa kwento ni Finn at nagkatinginan pa kami ng mga kaibigan ko. Shet! Isa palang yan. Ayoko na! Ayoko ng horror stories!
"Ang lesson dito ay wag na kayong mag aral sa gabi." Sabi ni Finn at binatukan siya ni Dylan.
Isa isa na silang nagkwento ng mga urban legends at horror stories hanggang sa nagkwento na si Kelvin.
"Familiar kayo sa Urban story ng couple na naistranded diba?" tanong ni Kelvin.
BINABASA MO ANG
Deitrem (Under Revision)
Fantasy1 country, 4 regions, Different perspective Who's right and who's wrong? In a country where dispute rises, would you still adhere to what you believed in?
