Chapter 35: Dolls and Iguana

34 4 0
                                    

Harmony's POV

Malapit na mag school fest pero yung dalawa magkaaway pa rin. Nandito kaming tatlo ni Clovis at Zero sa cafeteria. Si Ram kasi may pupuntahan daw, si Nixon naman busy sa pagffinalized ng booth.

"Pinagpalit na nila tayo." Madramang sabi ni Clovis habang punong puno yung bibig nya ng pagkain.

Binato tuloy sya ni Zero ng tissue. "OA mo, Willner. Parang ngayon lang naman tsaka alam mo naman na magkaaway yung dalawa."

Napatango naman kaming dalawa ni Clovis. Ilang araw na magkaaway yung dalawa, hindi naman namin alam kung ano ba talaga yung pinaka pinagawayan nila.

"Bakit kaya sila nagaway no?" tanong ko sa kanila pero nagkibit-balikat lang yung dalawa.

Ano kaya kung pagbatiin namin yung dalawa?

"May naisip ako." halos sabay naming sabi na tatlo. Nagkatinginan tuloy kami tsaka natawa.

"Ikaw na muna, Harm." Sabi ni Zero.

Tumango naman ako. "Naisip ko na pagbatiin natin yung dalawa."

"Yun din naisip ko/ naisip ko rin yan." Magkasabay na sabi nila.

"Ayun naman pala iisa lang naiisip natin kaya gawin na natin oha." Tumaas baba naman yung kilay ni Clovis.

Napailing na lang si Zero. "May naisip ka ba Harm kung paano natin gagawin yun?"

Saglit naman akong nagisip kung paano nga ba? "Alam ko na! Bilhan natin ng milkshake si Ram tapos sabihin natin na galing yun kay Nixon."

"Engkkk! Halata ka naman masyado nun." Sabi ni Clovis at bumlik sa pagiisip.

"Pwede din yun kaso kailangan natin malaman kung ano ba yung gusto nilang dalawa." Suggestion ni Zero. Tumango tango naman kaming dalawa ni Clovis.

"Edi tanungin natin." Biglang sabi ni Clovis.

"I mean. Tatanungin ko si Nixon kung ano ba yung gusto ni Ram tapos ganun ka rin Harm pero kay Ram ka magtatanong."

"Okay."

"Makikinig na lang ako sa inyo, Willner. Mauuna na kaming pumunta sa gym para hindi halata okay?"

Tumayo na si Zero at naunang maglakad. Kaso napalingon sya sa'kin.

"Harm, tara na."

Oo nga pala sabay nga pala kami. Nagpaalam na ko kay Clovis tsaka sumunod kay Zero. Naglalakad na kami pabalik sa gym dahil ilang minute lang binigay sa amin ni Nixon para makapag lunch. Binilhan na rin pala namin sya ng lunch kasi baka hindi pa sya kumakain.

"Gusto mo talaga si Clovis ha." Nagulat ako dahil may iniisip ako tapos biglang magsasalita si Zero sa tabi.

Napatingin pa sya sa'kin. "Oo naman. Gusto rin naman kita."

Naramdaman ko naman na napahinto sya kaya huminto na rin ako. "Ha?"

"Hindi mo ba narinig? Gusto kita." Paguulit ko. Ang bingi naman ni Zero. Magkatabi lang naman kami pero hindi pa nya narinig yung sinabi ko.

Napatulala naman sya dun. "Hala! Anong nangyari sayo?"

"Harm pakiulit nga?"

Napakamot naman ako sa ulo ko. "Gusto kita. Gusto kita. Gusto kita. Tatlo na yan hindi mo pa rin ba marinig?"

"Seryoso ba yan?"

Loko pa la tong si Zero e. May sinabi ba akong joke doon?

"Oo nga. Nagtatagal naman tayo dito. Tara na sa gym." Hinila ko na sya papunta sa gym.

Deitrem (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon