Chapter 28: Chara Change

36 4 0
                                    

Ramjee's POV

"Raaaam! Ok ka lang ba dyan?"

Rinig kong katok ni Harm. Eh? Umuulan ba? Bat nababasa ako?

Then realization hit me...... NAKATULOG AKO HABANG NALILIGO! OMG!

"Yes I'm fine!" sigaw ko sa kanya

"Kala ko ano nang nagyari sayo. Isa't kalahating oras ka na diyan."

"Sorry. Saglit na lang talaga."

Then maya maya lumabas na din ako. Diretso nga akong kama eh. Inaantok kasi talaga ako. Nandito parin kami sa Estermead. Kakatapos palang ng game kanina. Sabi nila the day after tomorrow daw kami uuwi. Gagamitin namin yung natitirang araw bukas para makarecover at makapagpahinga.

Diba sabi nila pag natulog ng basa ang buhok, mabubulag daw? Bahala na nga! Inaantok na talaga ako! Then I drift off to sleep.

***

Bakit ang lamig? Sa pagkakatanda ko, di ako natatablan ng lamig eh. Whaaaa! Naiiyak ako! Mommy! Daddy! Kuya at Kuya!! Nixon! Anong nangyayari? Natatakot ako!

"Whaaaaa!! Anong nangyayari? Nilalamig ako! Kuya! Daddy! Nixon! I'm scared!" iyak ko.

Nagising naman si Harm dahil doon.

"Anong nangyayari sayo? Ok ka lang ba? Kung hindi may joke ako! Pero wag ka naman magpalabas ng ice kasi giniginaw ako."

"Huhuhu di ako gumagawa ng ice. Nilalamig din ako! Natatakot ako! Anong nangyayari Harm? Am I gonna die?"

"Wag ka na umiyak! Hmm.. knock knock.."

"Who's there?" sabi ko ng nasinghot pa

"Come back to me."

"Come back to me who?"

"Come back to me bok ang puso..." kanta niya

Di ako tumawa kasi di naman nakakatawa.

"Bat di ka tumawa?"

"Dapat ba tumawa? Di naman kasi nakakatawa eh."

"Sabi ni lola pag may nagjoke tatawa daw. Kaya tumawa ka na."

Edi tumawa ako. Sabi kasi ni Harm tawa daw. Ayun, tumawa kaming dalawa. Maya maya biglang bumukas yung pinto at pumasok si Clovis.

"Whaaaaaa! Clovis help! I think I'm gonna die!"

"Ha? Tumigil ka nga sa pag-iyak Ram! Ano ba nangyayari sayo?"

"Di ko alam! Whaaaa! Clovis!"

Tapos yumakap ako sa kanya habang umiiyak. Nagulat naman siya tapos nilayo niya ako.

"OK KA LANG BA RAM? KINIKILABUTAN AKO SAYO! PARA KANG BATA! Eh... Teka ang init mo ah. Mag antay ka diyan!"

Umiyak ako ng malakas. Nataranta naman si Clovis at pumunta agad sa akin at pinapatahan ako.

"Galit ka eh. Sinigawan mo ako! Iiwan mo pa ako. Masama ba ako?"

"Hindi! Ano kasi! Pano ba to? May kukunin lang ako. Dyan ka lang!" sabi niya sa akin tapos inupo agad ako sa kama.

"Clovis knock knock!"

"Huh? Who's there?"

Nagjoke ulit si Harm kaso di naman nakakatawa kaya tahimik lang kami ni Clovis. Tapos naalala ko sabi ni Harm pag may nagjoke, tatawa daw so tumawa ako tapos tinignan lang ako ni Clovis. Lumapit nga din siya kay Harm eh tapos nilagay niya kamay niya sa may leeg nito.

Deitrem (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon