Chapter 29: Victory Party

31 3 0
                                    

Harmony's POV

Kasalukuyan akong nakahiga sa kama habang nakatulala sa kisame. Wala kasi akong magawa dahil wala kaming pasok ngayong araw na'to. Kakabalik lang naming ng Ashwick kahapon at ngayon daw gaganapin yung victory party daw namin.

Tinanong kami nila Sir kung gusto daw ba namin ng formal party dahil yun daw ang napagusapan kaso syempre ayaw naman namin ng ganun kaya simpleng party lang meron mamaya.

Bigla namang pumasok si Ry sa kwarto ko. Kinukusot nya pa yung mata nya. Tumayo ako at kinarga sya. "Ry, namiss ka ni Ate. Hindi mo pa yun alam di ba? Kakasabi ko lang ngayon e."

Tumango tango naman si Ry tsaka ngumiti. "Ate, umuulan po sa labas. Ligo po tayo."

Nilapag ko muna si Ry tsaka sumilip sa bintana. Minsan lang umulan sa Ashwick. Kapag umulan sa isang region ng Deitrem ibig sabihin may mangyayari. Hindi alam kung magandang pangyayari or masama. Syempre dun na tayo sa maganda.

Lumapit naman sa'kin si Ry at hinila yung laylayan ng damit ko. "Ate ligo na po tayo sa ulan."

Lumuhod ako para kapantay ko sya. "Ry, di ba sabi ni Lola bawal ka na lumabas labas?"

Nung araw na nadala ko si Ry sa bag, pinagalitan ako ni Lola. Minsan lang kasi lumabas si Ry at dapat kasama si Lola nun.

"Magpaalam po tayo kay Lola." Tumango naman ako at pumunta na kami kay Lola sa sala na may binabasa.

Lumapit agad si Ry. "Lola, pwede po kami ligo sa ulan ni Ate?" Pagpapaalam nya. Nagpacute pa nga sya e kaya natawa naman ako maging si Lola.

"Dyan lang naman kayo sa labas ng bahay di ba? Sige na Harmony, nagpacute na sya." Tumalon talon pa si Ry at nagthank you kay Lola. Bumalik naman ulit sa pagbabasa si Lola.

"Ate, pwede ko po ligo si Cloud at Meatball?" Umiling naman ako sa kanya. "Magkakasakit sila gusto mo?"

Umiling si Ry tsaka tumakbo papunta sa pinto. Tinawag pa nga ako dalian ko daw baka daw makita ako nila Cloud at Meatball kaya napatakbo na rin ako.

Tuwang tuwa si Ry na naglalaro sa ulan tsaka sa putik. "Ate tawag po natin si Kuya Nixon."

Nagtaka naman ako kung bakit si Nixon ang hinahanap nya kaya tinanong ko sya. "Bakit si Kuya Nixon?"

"Sabi po kasi ni Kuya Nixon dapat daw po boy kasama ko dahil boy ako. Sabi po nya tawag ko lang daw po sya pati po si Kuya Zero at pati rin po si Kuya Clovis."

Ganun ba yun? Bakit pumayag si Lola na samahan ko si Ry e hindi naman ako boy? Napatingin ako kay Ry na nakapikit at nakahawak sa ulo nya.

"Ry, masakit ba ulo mo? Uwi na tayo tara." Umiling sya pero ganun pa rin yung ginagawa nya.

"Okay na po." Sabay ngiti nya sa'kin.

Nagtaka naman ako kung ano yung okay na? "Ano yun?"

Sasagot sana si Ry kaya lang biglang may portal na lumabas at bumagsak mula dun si Zero.

"Kuya Zero!" sigaw ni Ry at mabilis na tumakbo kay Zero. Nataranta naman ako kasi tuyo si Zero at nagpapaulan sya ngayon tapos papunta sa kanya si Ry na basa.

"Zero! Mababasa ka. Sumilong ka muna sa bahay." Hindi nya pinansin yung sinabi ko at kinarga si Ry. Basang basa na rin sya dahil ang lakas ng ulan.

Lumapit naman ako sa dalawa na nagtatawanan. "Anong ginagawa mo dito?" Nilapag nya muna si Ry bago sumagot.

"Narinig ko yung sigaw ni Ry. Malapit lang kasi ako dito." Nanlaki yung mata ko dahil hindi naman sumigaw si Ry. Ibig sabihin ginamit nya yung ability nya kanina. Malalagot kami kay Lola nyan.

Deitrem (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon