Chapter 9: For The Sake of Allowance

57 7 0
                                    

Nag-aayos na ako ng gamit ko para pumasok ng bigla akong makarinig ng tunog

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nag-aayos na ako ng gamit ko para pumasok ng bigla akong makarinig ng tunog. Ang lakas ng tunog na yon at ang sakit sa tainga. Agad kong sinara yung bag ko at bumaba.

"Lola, narinig nyo ba yon?" Inalog ko yung ulo ko dahil bigla akong nahilo.

Nasa kusina silang dalawa ni Ry at kasalukuyang nagaalmusal. Umupo na rin ako at kumain.

"Heard what?" tanong ni Lola sa akin.

Ang lakas ng tunog na yon. Imposible namang hindi nila iyon narinig.

"Yung malakas na tunog po?" patanong na sabi ko. Hindi na rin tuloy ako sigurado baka napasukan lang ng masamang insekto ang tainga ko.

"Pfft. I did that." sabi ni Ry sabay subo ng apple.

Nagkatinginan kami ni Lola. Pareho kaming nagulat dahil 4 years old pa lang si Ry at lumabas na ata ang kanyang ability. 10 years old na ako ng lumabas yung ability ko.

Lumapit si Lola kay Ry at hinawakan yung magkabilang pisngi nito.

"Ry, can you do it again?" mahinahong pakiusap ni Lola.

Tumango naman si Ry. Ibinaba nya ang hawak nyang tinidor at humarap kay Lola. Ginalaw nya ang kanyang kamay na para bang may hawak syang bola. Maya-maya pa ay nagiging visible na ito. Tumingin sya sa akin tapos ay kay Lola. Sa huli, ibinato nya sa akin ang ginawa nya.

Sobrang lakas na tunog ulit iyon. Napakatinis at ang sakit sa tainga. Hindi pa siguro makontrol ni Ry ang volume.

"Sorry Ate." sabi nya at bumalik ulit sa pagkain.

"Ry has a sonic ability." sabi ni Lola sa'kin humarap sya ulit sa bata at mahinahon itong kinausap.

"Rhythm, you cannot show that to anyone. Understood?"

"But I just showed it to you and Ate Harm."

"Except us. Okay?"

"I can do that, Lola. There is no one here except you and Ate Harm."

"Good. Ate Harm, will bring you fruits later." Mahina nyang tinapik ang kaliwang pisngi ni Ry.

Hindi ko namalayan ang oras at malapit na dumaan ang bus. Kinuha ko yung gamit ko at nagpaalam na kay Lola.

"Lola, male-late po ako ng uwi dahil sa training. Bye po."

Mabilis kong pinatakbo ang bisekleta. Ilang minuto na lang at dadaan na ang bus. 20 minutes pa ang susunod kaya kailangan ko magmadali.

"Harm, dahan-dahan." paalala ni Ate Cecile sa akin ng matapos ko madapa.

Tanaw mula dito yung bus stop at malapit na yung bus. Agad kong tinabi yung bike ko at hinubad yung helmet.

"Paiwan po ako ulit, Ate Cecile. Salamat."

Paalis na dapat yung bus mabuti na lang at nahabol ko ito.

Deitrem (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon