Chapter 39: Mayhem

29 4 0
                                    

Ramjee's POV

Third and last day na ng school fest kaya nag mukhang malaking amusement park ang Silverleaf. Tinanggal na din ang mga booths except sa mga food related booths. Actually nag fo-food trip nga kami eh. Sinusulit na namin yung mga food stubs na napanalunan namin.

"Clovis tara na kasi!" pilit ko kay Clovis habang siya kain lang ng kain.

Ayaw kasi niya sumakay sa mga rides. Eh kami kating kati na sumakay. May fear of heights kasi siya kaya ayaw niya sa rides. Tsaka na-trauma na ata sa amusement park doon sa Estermead.

"Bahala ka nga diyan! Aalis na kami. Kita kits na lang mamaya. Bye!" sabi ko at umalis na kami.

Napatigil naman si Clovis sa pagkain niya. "Wait!"

Tinignan naman namin siya. "Bakit?"

"Iiwan niyo talaga ako para sa rides?"

"Ang arte mo kasi Willner! Ano sasama ka ba o hindi?" tanong ni Zero sa kanya

Nag isip naman siya kaso gusto na naming subukan yung roller coaster na sobrang daming loops. Ang dami kayang nakapila doon! 

Dahil di namin siya maintay, naglakad na ulit kami paalis.

"Wait eto na! Sasama na ako!" sabi naman niya at nag madaling ubusin yung tacos tapos sumunod na siya na sobrang daming laman ng bibig.

"Kailangan pa iniiwan eh. Tara na nga! Aabutin na tayo ng siyam siyam para lang makasakay sa roller coaster." Nix


***

"Whoooooo! Ang saya nun! Let's do it again!" sabi ko

Kakababa lang kasi namin sa roller coster. Grabe ang saya!

"Ayoko na! Bahala kayo diyan!" reklamo naman ni Clovis

"Kahit kelan ang kj mo pag mga rides. Basta heights talaga takot ka eh no? Hahaha!" pang aasar ni Nix sa kanya.

"Eh kung tinatapon kaya kita sa doll island? Kalalaking tao takot sa manika!" asar pabalik ni Clovis

"Hahahaha! Tarang doll island Fahrner." Asar din ni Zero

"Edi kayo ang pumunta!"

"Nakapunta na kami noon. Nakakatakot nga eh. Kasi may nag sasalita doon wala namang tao." Sabi ni Harm kaya napa kapit ako sa kanya ng mahigpit.

"Stop with the scary stories please? Sumakay na lang tayo sa tea cups!" pag aaya ko.

Nagsipag-agree naman sila. Ok lang naman daw yun kay Clovis kasi wala naman sa ere yun.

"Oo nga pala, bat di natin isama si Hershian?"

Napahinto naman sila sa paglalakad at napatingin sa akin.

"The more the merrier right?"

"Ako ok lang naman sa akin." Sabi ni Harm at nag taas pa ng kamay

Magsasalita na sana sina Zero at Clovis ng biglang sumingit si Nix.

"Busy daw siya di pwede." Sabi niya

"Weeh? Sabi nino?"

"Sabi niya sa akin."

"Hala! Close na kayo? Kelan pa? Ahahaha!"

"Ang dami mo namang tanong. Basta di daw pwede. Tara na!" saka siya naunang maglakad.

"Wait lang tatawagan ko lang. Wala akong tiwala sa sinasabi ni Nix." Sabi ko at nagsimula nang mag dial kaso biglang bumalik si Nix tapos tinabig yung phone ko kaya nabitawan ko. Sinalo naman niya yun tapos binulsa niya.

Deitrem (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon