Chapter 25: Tag Team

33 3 0
                                        

Ramjee's POV

Kung titignan mo kami ngayon, para kaming zombies na lima. Pano ba naman kasi puyat. Urghh! But well, kung zombie nga kami, safe mga representatives ng Estermead for sure.

"Oh anong mga mukha yan?" tanong ni sir Rocco sa amin.

"Mukha po ng gwapo at maganda?" pagbibiro ni Clovis

"Akala ko mukha ng mga haggard." Biro ni sir Rocco tapos tumawa na sila kuya ng malakas.

"What happened anyways?" tanong niya pa sa amin.

Umiling lang kami. Wala naman masyadong naganap kagabi kung hindi makipag habulan at taguan sa multo!

"Bat bangag kayo?" tanong ulit ni kuya pero di na namin sinagot. Tulad nga ng sabi niya, bangag kami.

Tulala lang kami. Di na rin namin masyado naiintindihan sinasabi nila sa amin. Nandito na naman kasi kami sa may bleachers at nanonood ng ibang games. From time to time napapaidlip kami tapos magigising sa gulat pag biglang umingay at nag hiyawan dito.

Tinawag kami maya maya. Lahat ng representatives nandoon. Nagtaka naman kami.

"Anong nangyayari?" tanong ko kay Nix

"Huh?" Sagot lang niya sa akin

"Psst. Anong ganap?" tanong ko kina Harm at Zero kaso sabay lang sila nag-shrug.

Then nagsalita ang announcer.

"Ladies and gentlemen! Welcome! We would start our game in a bit. I would like to explain what will happen later." Pagsisimula niya na ikinataka naman lalo namin.

"Game?" sabay na sabi naming apat.

Okaaay.. What's this?

"We will pick four representatives. Two in each region. We will flash the names in our screen and then, they will battle in a field that is also randomly chosen. Once the player was out of the field, or is knocked out, he/she will lose."

Nagkatinginan kaming apat. So yun pala yun. Wala man lang kaming kaalam alam! Iba na talaga pag bangag! Whoo! Puyat paaaaaa!

"Let the battle begins!"

Pagkasabi nun ng announcer, biglang nag labas yung monitor na sinasabi niya ng region.

ESTERMEAD vs. ASHWICK

Nag hiyawan na naman yung mga audience. Gandang match up nito ah.

After noon, names naman na ng mga Medians ang lumabas.

Kaden Rozen

Tyronne Harris

Di naman nagtagal, nag flash na yung names ng mga Wickians.

Nixon Fahrner

Ramjee Raskins

"Agad agad?" Napa lakas pa pagkakasabi ko doon kaya napatingin mga kasama ko sa akin. Nag-peace sign na lang ako sa kanila. Mabuti na lang at di narinig ng mga Medians...

"From Estermead! Kaden Rozen and Tyronne Harris!"

Nag palakpakan at nag hiyawan ang mga Medians.

"From Ashwick! Nixon Fahrner and Ramjee Raskins!"

Nag palakpakan naman yung mga kasama namin at ibang audience. May naririnig din kaming nag 'boo' pero di na namin pinansin.

Pumunta na kami sa field tapos biglang nagbago yun. Naging rocky terrain ito. Nagstart naman na yung countdown.

"Don't drag me down." Sabi sa akin ni Nix

"Don't worry I won't. Baka sayo ko pa sabihin yun."

When the countdown reached 1, nag fist bump lang kami at nagsimula nang sumugod.

Deitrem (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon