Ramjee's POV
Kung magulo sa school, mas magulo dito sa labas. Mas madami din kasing civilians dito. Naalala ko may kailangan nga pala akong sabihin kina Harm.
"Guys! Alam ko na kung anong region ang umatake sa atin." Napatigil naman sila sa ginagawa nila at napatingin sa akin.
"Really?" tanong ni Clovis kaya tumango ako.
"Estermead." Sabi ko
"What? Pero teka, pano mo nalaman?" tanong naman ni Zero
"I saw him. Tyronne. Remember yung kalaban namin nung day two? Nasa school siya." Sabi ko
"Pano mo siya nakita?" tanong naman ni Harm...
May interview session pala di naman ako aware. "Long story..." sabi ko na lang
Tumango na sila at bumalik na sa ginagawa namin. Ginagamot namin ngayon yung ibang nasugatan bago dalhin sa mga healers o sa mga soldiers. Tinuruan naman kami sa school ng first aid so okay lang. Si kuya Spander nagbigay samin ng first aid kit. Nakita namin siya kanina. Tumutulong pala kasi sila sa pag create ng barriers at kung anu-anong technical support.
Binigyan din niya ako tracker at sabi niya wag na wag ko daw yun iwawala. Tsaka ng radio transceiver para daw macontact ko siya o sina daddy at kuya Reiji.
May mga naglalaban na din na Wickians at Medians kasi nagsilabasan na yung troops ng Estermead at patuloy sa pag atake at pagsira ng Ashwick.
Yung mga nililigtas namin is yung mga nadadamay sa crossfire. Naisip ko nga na dapat nililigtas din namin yung sarili namin kasi kanina pa kami nadadamay sa crossfires! Tulad na lang ng may biglang babaril na tank. Tapos mga bomba na kanina pa bagsak ng bagsak. Ultimo lasers kung saan saan na nalabas! At yung mga Medians na bigla bigla na lang kaming aatakihin. Pag ganon, pinapatanggal lang namin kay Harm yung oxygen ng kalaban o kaya we knock them out using our abilities.
"Mamamatay ako dito eh. Partida di pa noble yung way. Maririnig na lang ng pamilya ko yung balita na 'gwapo't matalino na teenager na si Clovis Willner, patay dahil sa ligaw na bala!'!"
Binatukan naman siya nung dalawa.
"Tumigil ka nga diyan. Gusto mo kami pumatay sayo?" sabi sa Nix at naglabas siya ng fireball. Ganon din si Zero at naglabas ng black knives.
"Kayo naman di na mabiro! Pinapagaan ko lang yung atmosphere eh."
"Psshhh.. Tama na nga yan. Tara na!" aya ko.
Nakaramdam kami ng pagyaning kaya na out of balance kaming lahat at napaupo.
"Te—teka! Ano to? Natural disaster naman?" tarantang tanong ni Clovis.
"Nope... I don't think so...." Sabi ko kasi nakita ko yung dalawang giant milibots. (Military Robots)
Nakita na rin nila yun. Naglabas yung milibots ng lasers kaya tumakbo na kami agad.
"Ano yan?" tanong ni Harm.
"War Robots or warbots for short. 10x more destructive than Milibots! First time ko lang makakita niyan! Di ko alam kung maaamaze ako o matatakot!" paliwanag ni Clovis
"HINDI YAN MILIBOTS?" di makapaniwalang tanong namin nina Nix at Zero.
"HINDI NGA!" sigaw naman ni Clovis
Todo ilag kami sa mga lasers at bullets at kung ano ano pang nilalabas nung Warbots kung tawagin ni Clovis
We tried to attack the warbots kaso nga lang, masyadong matibay yun kaya siguro gasgas lang ang nabibigay naming damage.
BINABASA MO ANG
Deitrem (Under Revision)
Fantasy1 country, 4 regions, Different perspective Who's right and who's wrong? In a country where dispute rises, would you still adhere to what you believed in?
