Chapter 32: Detective Mode On

27 5 0
                                    

Ramjee's POV

Hanggang ngayon, di parin namin malaman laman anong problema ni Zero. Pag lunch biglang nawawala, tas pag uwian laging nauuna umalis o kaya naman nagteteleport, pag niyaya mag hang out pass ng pass. Pag tinatanong naman ok lang daw siya pero kung makaiwas wagas? Isang linggo na siyang ganon. Haay!

"Seryoso, anong problema ni Adler?" tanong ni Clovis

Tulad ngayon, lunch tas nag disappear na naman siya sa kung saan. Tapos nung nakaraan, sabi niya galit siya sa amin. Sa pagkakatanda ko wala naman kaming ginawang mali. Baka nga naisip niya na bad influence talaga kami? Yun lang kasi yung the best na explanation eh.

"Malay ko. Tanungin mo." sagot naman ni Nix

"Ilang beses na kaya natin tinatanong yun. 'Ok' lang naman daw siya. Joke! Galit daw siya diba?" Sabi ko. Totoo naman kasi.

"Ikaw Harm—si Harm?"

Hinanap namin si Harm. Bigla na lang nawala. Katabi ko lang yun kanina eh.

"Ayun pala eh!" una siyang nakita ni Nix.

Umupo ulit si Harm sa tabi ko. May dala pa siyang strawberry milkshake.

"Para sa akin ba yan? Hahaha!" tanong ni Clovis. Umiling naman si Harm.

"Kay Zero sana kaso di ko mahanap. Diba galit siya? Kaya eto peace offering sana kaso wala siya eh."

Tumango naman kami. Then tinanong ko siya kung nakakausap ba niya kanina si Zero kaso hindi naman daw. Focused daw masyado sa klase eh.

"Kahit 'hi' o 'hello' wala?" tanong parin ni Clovis na inilingan naman ni Harm.

Nagpatuloy na lang kami sa pagkain. Baka kasi mamaya nalunok na ni Zero yung dila niya kasi kanina pa namin pinag uusapan.

"Naisip ko bigla baka may anak yun kaya busy na! Ahahaha!" biglang sabi ni Clovis.

Muntik pa akong mabulunan sa sinabi niya. Adik talaga to.

"Oo nga no? Naisip ko din yun. Hahaha! Kaya lagi nauuna pauwi baka sinusundo yung anak." Gatong pa ni Nix saka sila nag apiran ni Clovis.

"Talaga? May anak na siya? Ang bata pa lang natin ah." Gulat na sabi ni Harm.

"Baka laging puyat kasi iyak ng iyak yung bata. Baka tinitimplahan pa niya ng gatas. Tss.." dagdag ko din

"Kaya pala lagi siyang tulog sa klase! Kawawa naman pala si Zero." Sabi ni Harm

Pero actually napaisip din ako doon sa sinabi nung dalawa. Oo nga no? What if? Tsk. Tsk. Tsk.

"Let's investigate him!" suggestion ko

"Anong investigate na naman yan Ramjee? Nagsisimula na kaming matakot pag ikaw nag suggest eh. Kung saan na naman tayo mapunta niyan." Reklamo ni Nix

"Ewan ko sayo! At wag mo ko tawagin sa buong pangalan ko dahil kinikilabutan ako."

"I agree with Fahrner! Hahaha!"

"Isa ka pa. Pahamak ka din naman ah. Sakin lang ang sisi?"

Natawa lang sina Clovis at Nix. Baliw tong dalawang to.

"So I was saying, susundan lang naman natin siya. Kung mapadpad man tayo sa kung saan, si Zero sisisihin natin kasi siya sinusundan natin." Depensa ko. Tama naman ako diba?

"Hindi ba kayo concern sa welfare ng kaibigan natin?" dagdag ko pa

"Ewan ko sayo. Kakapanood mo ng Homer naging frustrated detective ka na. Di bagay sayo. Lagi tayo napapahamak eh."

Deitrem (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon