Chapter 36: School Fest

35 4 0
                                    

Ramjee's POV

At last school festival na. Madami ang tao ngayon dito sa Silverleaf. Open gate kasi kami ngayon at welcome lahat ng mga tao na gustong pumunta. Kaya eto sobrang busy namin sa booth. Morning shift kasi ako kabilang. Pati na din sila Harm, Zero at yung isa pa.

Ako at si Harm wala sa mismong booth kasi kami yung nakatoka sa promotion ng booth. Bale maglilibot kami para magtawag ng pupunta doon. If you're asking about our booth, hango siya sa sikat na challenge theme game na sikat sa Ashwick. Bale paiklian ng time ang mga kasali sa pagtawid sa iba't ibang challenges. At kung sino ang manalo, may special prize.

(A/N: Actually para siyang Total Wipe Out.)

Nagpatuloy lang ako sa pag-invite at sa pamimigay ng fliers at so far, ayon sa report sa amin, madami dami na ang pumupunta kahit na disadvantage yung lugar kasi nasa liblib. Buti at naisipan ng mga kaklase namin na maglagay ng service para mas maging convenient sa visitors.

"Miss! Punta kayo sa booth namin! Masaya yan at exciting. May service din kami kung gusto niyo pumunta. 100 rand lang per person."

(A/N: Rand is currency sa Deitrem. Fictional currency lang siya. Isipin niyo na lang 1 rand is 1 pesos.)

Napaisip naman sila kung gusto nila i-try. Di naman nagtagal, pumayag din sila kaya tinawagan ko yung nakatoka sa service at pinahatid na sila doon.

Pati yung group of guys na pakalat kalat lang iniinvite ko na din kaya malapit lapit na ding maubos yung fliers ko.

"Kuya! Punta kayo dito. 100 rand lang mageenjoy ka na, may prize ka pa."

Mukhang trip ng mga to ang mabasa kaya pumayag na din naman sila.

Dahil nauuhaw ako, napagdesisyunan ko na bumili ng juice.

Pagkaabot sakin ng nagtitinda ng inumin, tumalikod na agad ako para sana umalis kaso lang may bigla akong nabanga. Tumapon pa nga yung inumin ko. Buti na lang nafreeze ko agad yung drinks kaya di nabasa yung tao.

"Sorry—uy! Hershian ikaw pala yan. Sorry sa pagkakabangga."

"Ok lang."

"Sorry talaga."

"Okay nga lang. Di naman ako nabasa eh."

"Ano yang dala mo?" tanong ko sa kanya. Ang dami kasing bitbit eh.

"Ingredients."

"Restaurant ba booth niyo?"

"Yup. Noodle house. Sabi kasi nila ang noodles nakakapagpahaba ng buhay."

Naalala ko naman na dapat pala nagi-invite ako ng pupunta sa booth namin.

"Here. Punta ka sa booth namin. Exciting yan promise." Sabi ko sabay abot ng flier sa kanya.

"Hmm... pupunta ako basta kakain ka sa booth namin."

"Ngee?"

"Ngee rin! Hahaha!"

"Anyways... Mauuna na ako." Sabi ko at tumakbo na paalis.

Tumigil naman ako halfway sa paglalakad at lumingon ulit.

"Basta punta ka ah!" sigaw ko at tumakbo na papunta sa mga bagong dating na grupo ng teenagers.


***

Dahil mag-aalas dose na, pinabalik na kami sa booth para mag change shift.

Naupo ako sa may damuhan dahil sa pagod. Maya maya naman dumating na din si Harm kaso kasama si Clovis.

"Ginagawa mo dito Willner?" tanong ng isa na nandito

Deitrem (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon