Harmony's POV
Okay lang kaya na iwan yung dalawang yun? Si Zero kasi nakaisip na iwan daw para makapagusap. Baka naman magalit silang dalawa.
"Magkabati na kaya sila? Amazona pa yun si Ram panigurado magagalit yun sa'tin mamaya." Sabi ni Clovis habang kumakain ng ice cream.
"Yun nga din iniisip ko."
"Wag nga kayong nega. Magkakaayos na yun." Singit ni Zero.
Naglalakad kami ngayon at hindi namin alam kung saan kami pupunta. Ang dami pa naman naming booth stubs and food stubs din.
"Saan na tayo pupunta nyan?" Tanong ni Zero. Huminto muna kami para makapagisip.
Saan nga ba magandang booth?
"Photo booth tayo. Sa tingin ko malakas yung sales nila syempre sino ba naman ayaw ng picture di ba?" Suggestion ni Clovis.
"Tara doon na lang."
Pumunta na kami sa photo booth. Pinakita namin yung isang stub tsaka kami pinapasok.
Hindi sya basta-basta lang photo booth. Malaki yung loob dahil sa mga 3d wall paintings.
"Tara doon." Tiningnan namin yung tinuturo ni Clovis.
Yung normal na photo booth na madalas makita sa mga movies ganun.
Pumasok kami sa loob at pumili ng costume. May costume kasi na nakalagay sa gilid e.
"Hahaha. Ano yan?" Natatawang sabi ni Clovis.
Ano namang nakakatawa sa turtle? Tsaka ang cute kaya ni Squirtle.
"Si Squirtle to. Ang cute nya di ba?"
Tumango naman si Zero. "Cute nga."
"Abaa! Cute din ako oh. I'm -- " Hindi natuloy yung sasabihin nya ng may biglang humila sa kanya palabas. Nasa malapit sa pinto kasi sya.
"Hala! Clovis!" Dali-dali kaming lumabas para tingnan kung sino yung kumuha kay Clovis.
"Whaaa! Help guys!" Sigaw nya ng makita nya kami. Habang sya akay-akay ng tatlong babae.
Susundan na sana sya namin kaya lang biglang may humarang na babae sa harap namin.
"Pahiram muna kay Clovis. Bye!" Tapos may pinindot sya na 'Start button.'
Nagulat kami dahil hinatak kami nung mga kamay pabalik sa loob.
"Whaaa. Anong ginagawa nyo?" Kung anu-ano kasing ginagawa nila.
"Hindi sasagot ang kamay."
Inantay ko na lang na matapos sila sa ginagawa nila.
"Zero ikaw ba yan?" Tumango lang sya.
"Hala! Ang gwapo mo namang vampire."
"Tss. Humanda yan si Willner." Bulong nya pero namumula sya.
Kasama ba yun sa effects? Pero hindi naman sya namumula kanina.
"Ang pula mo."
Kinurot nya yung pisngi ko. "Tigilan mo ko, Squirtle."
"Bitiwan mo pisngi ko."
"Hahaha. Ayaw."
Nakarinig naman kami ng shutter sound. Kaya sabay kami napatingin sa harap then another shutter sound.
Nalaglag naman ako sa upuan dahil hindi maayos yung pagkakaupo ko.
"Hahaha." Tinawanan pa ko ni Zero bago ako tulungan hmp.
BINABASA MO ANG
Deitrem (Under Revision)
Fantasy1 country, 4 regions, Different perspective Who's right and who's wrong? In a country where dispute rises, would you still adhere to what you believed in?
