Chapter 3 School Girl

90 7 0
                                    

Nagbibihis na ako para pumasok

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagbibihis na ako para pumasok. Unang araw ko sa school ngayon kaya kinakabahan at naeexcite ako.

"Harmony, bumaba ka na at baka ma-late ka na sa work mo." tawag ni Lola.

Hindi ko pa nasasabi sa kanya ang tungkol dito. Gusto ko sya i-surprise ngayon. Inayos ko yung gamit ko. Tumingin muna ako sa salamin bago bumaba.

"You look good, Ate." sabi ni Ry habang kumakain ng cereal.

"Really? This uniform suits me?"

Busy pa rin si Lola sa pagluluto kaya hindi nya pa rin ako nakikita. Umupo ako sa tabi ni Ry at kumuha ng tinapay.

"Yes po. I've never seen you wore one before."

"You remain the sweetest baby brother." I kissed Ry's head.

"Ate, you only have one little brother."

"Kayo talagang dalawa. May uniform na ba kayo?...." Natigilan si Lola ng makita nya ako.

Tumayo naman ako para ipakita sa kanya yung buong uniform namin. Isa na talaga akong estudyante sa Silverleaf.

"Change your clothes, and you are not going back to Srence."

Hindi ako makapagsalita. Feeling ko kapag nagsalita ako mas lalong magagalit si Lola. Hindi ba sya masaya na finally makakapag-aral na ako sa totoong paaralan.

"Did you hear me, Harmony Leung?"

Tinawag na nya ako sa buong pangalan ko. Isa lang ibig sabihin non, susunod ka or susunod ka. You have no choice but to follow. Sinubukan ko pa rin na kumbinsihin si Lola. Sayang naman kasi ang offer ng Silverleaf. Isa pa, pangarap ko talaga makapasok sa school katulad sa mga palabas na napapanuod ko kaya lang kinailangan ko magtrabaho.

"But I just want to help you. Please, Lola let me go to school." Lumapit ako sa kanya at niyakap sya.

"Lola, why Ate can't go to school like ordinary people?" napatingin kaming dalawa kay Ry.

Mukha syang inosenteng bata na kumakain lang ng cereal. Go Ry. Convince Lola for me. Ry is just 4 but he's smart and mature.

"Silverleaf is not a typical school. Malalakas ang mga tao doon. Baka kung ano ang mangyari sa'yo. I'm just worried. I hope you will understand, Harm."

"Lola, kaya ko na po. Nakapasa nga ako e. Please. Please." mas hinigpitan ko pa yung pagyakap sa kanya.

Napahinga ng malalim si Lola. "Pumapayag na ako. I really want you to have normal life, Harm. I'm just really worried. Remember, everything I told you."

"Yes I will. Thank you so much. I have to go." I kissed Lola then Ry.

"My fruits, Ate." I tousled his hair and smiles.

"I'll be home at 6pm."

Kinuha ko yung gamit ko at tumakbo na palabas. Sinuot ko yung helmet ko at nag-bike papuntang bus stop. Iniwan ko ulit kanila Ate Cecile ang bike ko. Umupo ako sa waiting shed at nag-antay ng bus. Madalas madaming sumasakay pagdating ng Berkton. Ang nakakapagtaka lang walang may gustong tumabi sa'kin. Naligo naman ako.

Deitrem (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon