Chapter 22: Game Start!

34 5 0
                                    

Ramjee's POV

"Oh." May inabot sa amin si Clovis na bow at baril naman kina Zero. Ang ganda nga ng design eh. Para bang personalize talaga.

"Gamitin niyo bukas sa archery at firing." Sabi pa niya

"Bat wala akong gun?" tanong ko

"Eh hindi ka naman kasali doon. Sa archery kayo ni Harm."

"I-test niyo na para kung may mali, maaayos ko pa."

Sinunod namin si Clovis. Kung nagtataka kayo bakit walang arrows, kami na kasi magproprovide nun.

I was about to shoot my arrows nang biglang may nag-appear na display sa harap ko kaya tinignan ko si Clovis.

"Matutulungan kayo niyan for accuracy. Mag a-advice yan sa inyo na ready for release na yung arrows. By the way, kayo lang makakakita non."

Sabay naming sinubukan ulit ni Harm. Then maya maya nag-apear ulit yung display tapos may lumabas nga na 'ready for release' kaya I released my arrow then......

Silence......then sumipol sila Nix at Zero.....Maya maya ng konti.....

"WOOOOOAAAAH!! COOOOL! OMG OMG! Clovis amin na to? Wala ng balikan?"

Napayakap pa ako kay Clovis. Ang astig kasi. "ANG GALING MO CLOVIS!"

Actually bago ako nagwala at nagtatatalon diyan, nga nga muna ako. Shomai! Sobrang destructive nung arrow. Grabe yung damage na nagawa sa training room. Basta ang astig! Pati si Clovis nga nga eh. Di nga rin makapaniwala si Harm. Hahaha!

"Te-teka! Sobra sobra yung damage niyan sa expected kong result. May mali ba sa calculations ko?"

"Walang mali Clovis, malakas at magaling lang talaga ako. Hahaha! Char!"

Umiling na lang sila sa sinabi ko.

"I think you guys are ready for tomorrow." Sabi sa amin ni sir Rocco at si kuya naman naka-thumbs up pa.

***

"Ladies and gentlemen! Welcome to our annual Deitrem Schools of Magic Tournament!"

Masiglang bati nung announcer. Nandito kami ngayon nagpa-parade. Bawat lingon mo may makikita ka talagang camera. Televised kasi to sa buong Deitrem.

After nung parade, nagsimula na yung games.

Dahil mamaya pa yung amin nina Harm, nasa may bleachers kaming lima para manood at maki-cheer. 3 games pa kasi bago yung amin.

Naghahabulan sa points ang Ashwick at Estermead. Nakakainis nga lang kasi , first ang Estermead.

Habang nanunood kami ng game, tinawag kami ni kuya Reiji kasi next na daw kami. So sumunod kami sa kanya papuntang waiting area. May malaking hologram dito para pwede mo pa ring mapanood yung mga games.

After a few minutes, pinapunta na kami sa arena kasi mag ii-start na daw yung game in 3 minutes.

"Ladies and Gentlemen, may we present you, the participants of this game."

Isa isa kaming pumasok tapos nag palakpakan naman mga tao then in-explain na yung mechanics ng game.

Simple lang naman. Lahat ng participants, ay nasa arena ng isang oras. Paramihan kayo ng matatamaan na flying and constantly moving target. Problem is, aatake din yung target at open na open yung arena kaya wala ka talagang pagtataguan.

Kung anong region ang may pinaka maraming matatamaan, sa kanya ang 50 points. May respective points din naman ang 2nd, 3rd and 4th.

Since dalawang participant ang nandito per region, ia-add nila ang mga tinamaan niyo.

Deitrem (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon