Chapter 20: Getting Ready

40 3 0
                                        

It's been 6 weeks since mag training kami

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

It's been 6 weeks since mag training kami. Kahapon lang, pinagsama sama na kami sa training. At ngayon panibagong activity naman. Dinala nila kami sa isang field. Para itong maze at sobrang daming pasikot sikot. Inabutan nila kami ng gears.

"We'll play paint ball today." Announce ni kuya Reiji sa amin. "Kung sinong team ang may pinaka maraming accumulated paints sa katawan, talo at may punishment pa. We'll give you 5 mins to strategize, pagkatapos non, wede na kayong magtago sa loob, pag narinig niyo ang thunder clap, start na ng game."

Pagkasabi ni Kuya non, umalis na siya at kami naman, nagusap usap na muna. Matapos ang 5 mins, nagsimula ng pumasok sa loob ng maze lahat. Nagtago kami at inantay lang ang thunder clap ni Kuya.

Hindi naman kami nag hintay ng matagal at nagsimula na ang game. One word to describe it... Chaos.

Hit and run kami. Yon kasi ang strategy namin. Don't stay too long in a confrontation, just hit them then you run, fast. In that way, the less paint will hit you. If you're lucky enough, then none. Nix's instructions.

Ok naman kaso nakakapagod parin. Hiwahiwalay na nga pala kami. Ok na din at least pag na ambush, hindi lahat madadamay.

May isang nakakatuwa sa game na to. May pakalat kalat din kasing gears sa loob ng maze. Kaya pag suswertihin ka, may dagdag na armament ka o kaya naman ay gears at ammos. Tulad ko, magkaroon ako ng extra na riffle at hand gun at may paint bombs pa. Talk about lucky. Nagamit ko na nga ang isang bomb eh. May nadaanan kasi akong team na nagbabarilan kaya tinapon ko sa kanila yung bomb. Ang astig kasi wala silang kawala nung sumabog. Ang dami nilang tama.

Dahil sa pagod, nagtago muna ako sa isang pader. Akala ko makakapagpahinga ako, hindi pala. Bigla na lang may bumaril sa akin kaya napatakbo ako. Hinbol ako ng bumabaril kaya todo ilag ako kaso natamaan parin ako. Nang nakarating ako sa open space, nagsilabasan ang mga seniors. Nagulat ako kaya napahinto ako bigla.

Unti unti silang lumalapit sa akin habang nakataas ang mga baril. Maya maya pa, nakahabol na ang bumabaril sa akin. Si Kelvin.

Tsk. Nacorner nila ako.

Kinuha ko agad yung extra ko na riffle at tinutok ang parehong baril sa kanila. Agad naman silang nagsipaghanda sa pagbaril. Punong puno sila ng pintura dahil sa hinagis kong bomb.

Oo, sila yung dalawang grupo na hinagisan ko kanina. Gumaganti na sila. This is unfair! Walo sila, isa lang ako.

Hindi naman nila ako binabaril, nag aantayan lang talaga kami ng unang babaril pero maya maya pa, biglang lumindol kaya nawalan ako ng balance, kasabay non ang sunod sunod nilang pag baril. Syempre bumaril na rin ako at umilag. Gumawa din ako ng shield para hindi ako matamaan kaso ginagamit din nila yung ability nila para sirain yun.

"This is so unfair! Wala kayo, isa lang ako."

"Unfair mo mukha mo! Nung hinagisan mo kami ng bomb, na unfairan ka ba?" sigaw sa akin ni Kelvin na sinang ayunan naman ng mga seniors. Hindi ko alam kung matatawa ako sa kanya o maiinis kasi pinagkaisahan ako.

Deitrem (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon