Chapter 13: We Need To Win

63 7 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Good morning!" masiglang bati ko kina Daddy at Kuya. I kissed them both on the cheeks before sitting down to eat.

"You seem happy, champ." Puna sa akin ni Daddy. I just smiled at him and continued eating.

"Baka dahil sa mga bago niyang kaibigan Dad. Masaya lang ata yan kasi hindi na daw siya maii-stuck kay Nixon." Sabi ni Kuya Reiji na sinabayan pa niya ng tawa kaya ginawa kong yelo yung kape niya. Tinignan niya ako ng masama.

"Ram!"

Nagkibit balikat lang ako at masayang ininom yung gatas ko. Naramdaman ko yung pagsipa niya sa binti ko kaya napa aray ako ng malakas.

"Dad, si Kuya Reiji!" pagsusumbong ko kasi ang tanda tanda na para paring bata. Tumatawa habang umiiling naman si Daddy sa amin. Tutal mukhang wala naman siyang balak pagalitan si Kuya na ikakatuwa ko, tinuloy ko na lang ang pag kain.

"By the way, about your new friends Ram, who are they?" tanong ni Daddy kaya nag angat ako ng tingin.

"Well, there's Harmony. Bagong enroll lang sa Silverleaf. Then si Zero na department transferee and Clovis na taga Tech Department."

Tinigil ni Daddy ang pag kain niya at biglang sumeryoso ang mukha. "Including Nixon, there are 3 boys in your circle of friends." I grunted at what dad said. Jusko naman.

"Yes Dad, I'm aware." Sabi ko sa kanya. Hindi na ba ako pwedeng magkaron ng ibang guy friends bukod kay Nixon?

Pinaningkitan niya ako ng mata. "Sigurado ka bang kaibigan lang tingin nila sayo? Baka mamaya pinopormahan ka nila—"

Pinutol ko na yung dapat sasabihin ni Daddy kasi kinilabutan ako. "Jusko naman Dad! Hindi po! Kinikilabutan ako." Eto ang hirap pag magisa ka lang na babae sa pamilya tapos bunso pa. Kala mo preso ka kung bakuran.

"I would like to meet them. I'll appreciate it if it's as soon as possible. I'll be looking forward to it."

Napabuntong hining ako. "Mukhang mawawalan ako ng kaibigan." Bulong ko.

"Oo nga pala Ram, kumusta midterms? No. 2 ka ulit?" asar sa akin ni Kuya. Wala talaga tong magawa sa buhay kundi pagtripan ako eh.

"Kuya, gusto mong isunod kong gawing yelo yang pagkain mo? Sabihin mo lang. Madali akong kausap."

"Ang pikon mo." Sabi niya tapos pinitik noo ko. "Malamang kasi natalo ka na naman ni Nixon."

"Tama na nga yan. Kumain na lang kayo. Masarap pa naman ang niluto ko."

Nagkatinginan kami ni Kuya. "Weeh?" sabay naming sabi.

"Dad, wag mo kaming niloloko. Take out ang breakfast natin. Mag ihaw lang naman ang alam mo." Sabi ko kay Daddy. Totoo yon. Pag inihaw, perfect ang gawa niya, pag ibang luto na, palpak. I find it very very weird.

Deitrem (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon