Chapter 42: Cease

24 5 0
                                    

Harmony's POV

Pinabalik na kami sa school dahil okay na daw lahat. Okay lang kaya si Ry? Dapat yata hindi ko sya iniwan dun kaso mas delikado naman kung sa amin siya sasama. Sabi ng Daddy ni Ram, hindi pa daw nakikita si Lola. Saan naman kaya yun nagpunta?

"Okay ka lang, Harm?" tanong sa akin ni Ram.

"Yeah. Iniisip ko lang si Lola."

Grabe pala yung nullification ability ni Ram. May mga ganun pala dito tsaka dalawa na ability nya ang astig naman. Parang familiar nga sa'kin yung word na nullification kaso di ko tanda kung saan ko narinig haha baka kay Ram lang din? Or baka sa school tinuro yun sa'min?

"Makikita mo rin si Lola." Sabi ni Nixon sabay ngiti.

"Yep."

Naglalakad kami pabalik sa school. Nasa gubat pa kami kaya hindi pa namin makita kung ano na nangyari sa mga bahay dun.

"Bakit ba kasi tayo naglalakad? Pwede namang portal ni Adler pabalik." Reklamo ni Clovis.

"Ikaw talaga pinaka ma reklamo sa lahat."

"Whatever, Ram. Crush mo na naman ako kaya mo ko pinapansin. Ayoko nga ng ama – " Hindi natuloy ni Clovis yung sasabihin nya dahil binato sya ni Ram ng snowball. Tapos may lumipad pa sa kanyang maliit na apoy.

Bigla namang may force na humatak sa'min. Nakagawa na pala ng portal si Zero di man lang nagsasabi.

Sa school ground naman kami bumagsak.

"Adler, muntik na maputol yung paa ko dun." Nagrereklamo na naman si Clovis. Baka sinara agad ni Zero yung portal.

"Edi ibabalik ulit kita dun." Tinaas ni Zero yung kamay nya kunwari gagawa ng portal sa likod ni Clovis.

"Joke lang bestfriend." Sabi nya sabay kapit.

Naglakad na kami papuntang faculty dahil gusto ko na makita si Ry.

"Ate!" salubong sa'kin ni Ry. Nakasunod naman sa kanya sila Cloud at Meatball.

Kinarga ko naman sya. "Okay ka lang?"

Tumango naman sya sa'kin. "Yes Ate. Mababait po sila dito. Sabi po nila hanap daw po nila si Lola."

"Hahanapin din ni Ate si Lola."

"Ry!!" sigaw ni Ram. Nagpababa naman si Ry at kay Ram naman nagpakarga. Ang bigat bigat na nya no 4 years old na kaya sya pero gusto pa rin nya yung kinakarga sya.

Kinuha naman ni Clovis si Meatball. "Gusto mo talaga si Meatball."

"Oo naman. Cute sya like me."

"Edi aso ka rin?"

Bigla namang natawa sila Nixon at Zero. Anong nakakatawa dun? Tiningnan ko naman si Clovis at Meatball pero hindi naman sila magkamukha.

"Hay naku, Harm." Yun na lang nasabi ni Clovis tsaka nya binaba si Meatball.

Bigla namang tumunog yung speaker.

"Mic test. Everyone proceeds in the school hall. There's an announcement from the Head Pillar. Thank you."

Kinarga ko na si Ry kaso inagaw naman ni Zero. "Akin na si Ry." Dahil gusto rin naman ni Ry kaya binigay ko na sya kay Zero. Si Clovis naman kay Meatball kaya kinuha ko na rin si Cloud at Bilog.

Para after ng announcement uuwi na kami sa bahay.

"Hirap na hirap ka Harm. Akin na yang si Cloud." Kinuha ni Ram si Cloud. Kukunin din sana ni Nixon si Bilog kaso biglang sumingit si Zero.

"Kaya na ni Harm yan." Kaya napatingin ako sa kanya tapos si Nixon naman nakangiti pa.

"Oo. Magaan lang naman to."

Nagpunta na kami sa hall. Ang daming tao kesa nung victory party kasi madaming civilians.

"Ano naman kayang announcement ng Daddy mo best friend?" pabulong na sabi ni Clovis kay Zero. Simaan lang naman sya ng tingin ni Zero kaya nag peace sign sya.

Kung anu-ano pa tinatanong ni Clovis at Nixon kay Zero. Nakikisali na nga rin si Ram e. Natigil lang sila nung may nagsalita sa harap.

Natahimik kaming lahat nung umakyat sa stage si Head Pillar. Sobrang seryoso kasi ng aura neto kaya bigla akong kinabahan gaya ng nangyari sa victory ball. Siguro this time hindi na sya magbibiro since this is a serious matter.

"Alam naman nating lahat ang nangyari sa Ashwick kaya hindi ko na kailangang bumati pa. Ang mga Medians ang naglakas loob na sugurin ang Ashwick. It was already confirmed. Marami sa'tin dito ang naencounter sila.

I want everyone to cooperate in fixing Ashwick. Sa ngayon, pwede ng umuwi yung iba. Faculty and Pillar Families, we will have a meeting."

Pagkatapos ay bumaba na si Head Pillar.

"May meeting kayo, Nixon."

"Ikaw din Ram."

"Huh? Sila Daddy at Kuya lang."

Napahawak naman sa batok nya si Nixon. "Oo nga pala. Kami pala yun. Sige una na ako."

Hindi pa nakakalayo si Nixon ng gumawa agad ng ice barrier si Ram sa harap nya. "Parents mo lang Nixon! Di ka kasama hahaha"

Natawa naman si Clovis at Zero dun kaya bumalik na sya.

"Nakalimutan ko." Sabi nya ng natatawa.

Pinalabas na kami sa hall para daw umuwi na.

"Gotta go guys." Paalam ni Clovis. May pinapagawa daw kasi sa kanya kaya mauna na daw sya.

Sumunod naman si Ram at Nixon. Si Ram hindi nya alam kung uuwi pa ba daw sya.

"Ano? Ayos ka lang Ram?: sigaw ni Nixon.

"Makikitulog lang? Overnight?"

"Tigilan mo ko Ramjee. Patay ako sa Daddy mo. Tsaka kabado ka naman dyan di pa naman uuwi yun."

"Oo na. Wag mo nga akong tawaging Ramjee!" Wala ring nagawa si Ram at umuwi na sila.

Tiningnan ko naman si Zero na buhat pa rin si Ry. Naku! Ang bigat pa naman nya for sure sobrang ngawit na yan si Zero.

"Akin na si Ry."

"Tulog na."

"Hala! Sige akin na sya para makauwi na kami."Kukunin ko na sana kaso ayaw nya ibigay.

"Baka magising. Hatid ko na lang kayo."

"Baka hinahanap ka na ni Head Pillar."

"Nah. He's busy. Ihahatid ko na kayo tara."

Gaya ng sabi nya, hinatid nga nya kami. Okay pa kaya yung bahay namin? 

Deitrem (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon