Chapter 14: Let's Train

58 7 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Dahil kailangan namin mag train para sa tournament, iniba ng academy ang schedule namin. Imbes na whole day kami sa school, half day na lang since gagamitin namin yung kalahating araw for training. Speaking of training, nasa bundok kami ngayon. Ewan ko ba dito sa kapatid ko at dito kami naisipang dalhin sa bundok na nasa likod ng academy.

"Why mountain?" tanong ko kay Kuya. Tinignan naman niya ako at ngumisi siya.

"You'll see." Maikling sagot niya sa akin kaya napasimangot na lang ako. Kanina pa kami nandito at hindi ko alam kung may hinihintay ba kami o nagsasayang lang ng oras.

"Why—"

"Why do you keep on asking questions?" putol ni Kuya sa itatanong ko. Sinamaan ko siya ng tingin. Ang sarap niyang batuhin kaso hindi naman pwede kasi instructor namin siya at kailangang igalang.

May narinig kaming sasakyan na paparating kaya tumingin kaming lahat kung saan nang gagaling yung tunog ng. Ilang saglit pa, nakita namin ang isang van na may logo ng Silverleaf at pumarada sa gilid namin. Bumukas ang pinto non at nakita namin sina Clovis.

"Took you long enough." Sabi ni kuya. Napakamot naman ng ulo yung isang senior.

"Sorry Sir, may kabigatan po kasi yung dala namin." Tumango lang si kuya tapos lumapit siya sa sasakyan at tinulungan sina Clovis na magbaba ng gamit.

Apat na malalaking metal box ang dala dala nila. Tingin pa lang mabigat na nga. Pinanood namin silang i-set up yun. 'Yong isang box, puro hologram ang laman, yung isa naman ay orbs at mga wrist watch. Yong natitira, hindi na namin alam kung ano.

Bumalik si Kuya sa amin at may inabot siyang lobo. Takang taka naman kaming tumingin sa kanya. Ngumiti si Kuya sa amin, ngiting may balak na masama kaya pinaningkitan ko siya ng mata. Natawa siya sa reaksyon ko kaya pinitik niya ang noo ko.

"Tie that on your waist and protect it that as long as you can. If you managed to keep that balloon on you for more than an hour, good. If not, you need to climb that part of the mountain twice." Tinignan namin yung tinuro ni Kuya na part at anak ng pating! Ang tarik non!

Pumito si Kuya ng malakas at may narinig na naman kaming paparating. Napa atras kami nang makita namin kung ano yun. Wolf pack. Some of them are baring their teeth. Binilang ko naman kung ilan sila at walo ang nakapalibot sa amin.

"I put something on those balloons so that those wolves and eagles can hunt for it but you can't harm the animals, so I forbid you to use your abilities against them."

Nilapitan si Kuya ni Clovis at sabi niya tapos na daw yung set up nila. Tumango si Kuya at lumapit sa amin si Clovis. May binigay siyang wrist watch sa amin.

"Tracker yan. Para masundan kayo ng mga orb." Sabi niya sa amin. Sinuot naman namin yon at bigla itong umilaw. Lumutang naman ang mga orb at tumapat ang isa sa akin.

Deitrem (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon