Chapter 44: Basement Is My New Home

22 4 0
                                    

Ramjee's POV

Patay... Patay...Patay talaga ako! Triple kill na to! Daddy plus Kuya Spander plus Kuya Reiji equals iyak na Ramjee! Whaaaa! Mommy! Paki dalaw nga sina Daddy please?

"Kuya baka pwede naman natin pagusapan to? Please wag mo na sabihin kay Daddy? Kuya!" pangungulit ko kay kuya Span.

Nandito na kami sa bahay at lahat kaso tahimik parin siya. Kanina ko pa siya kinukulit noong nasa sasakyan kami kaso wala. NR lang siya. Kaya wala tong lovelife eh.

"Kuya secret na lang natin to? Ipagluluto na lang kita ng masarap na pagkain. Kuya ayoko makulong! KUYAAAA!!"

Tulad kanina di niya ako pinakinggan. Maya maya bigla na lang bumukas yung pinto at nag create pa yun ng napakalakas na ingay kaya napatingin ako doon. Nagsisi pa nga ako eh. Nakita ko kasi sina Daddy at Kuya na napaka seryoso ng mukha.

Papalapit na sila sa akin kaya nagsimula na akong magdasal ng taimtim.

"Totoo ba? Ginamit mo yung ability na yon?"

"Daddy kasi—"

"YES OR NO?!" nagulat at na takot ako sa pag taas ng boses ni Daddy. Hindi kasi niya kami pinag tataasan ng boses.

"Yes..." mahina kong sabi at napatungo na lang.

"Diba sinabi ko sayo na kahit anong mangyari wag na wag mo gagamitin yun? ANO ANG MAHIRAP SA PAG GAWA DOON?" naiyak na ako dahil sa pagsigaw ni Daddy. Natatakot na kasi ako.

"Pero po kasi—"

"Anak naman... YUN LANG! Yun lang di mo pa nagawa? Nangako ka na hinding hindi mo yun gagamitin."

"I know Dad. I'm sorry kung sinuway ko kayo."

"THEN WHY? WHY RAMJEE?"

"Daddy mamatay mga kaibigan ko sa harapan ko. Hindi ko kaya yun."

Hindi na nagsalita si Daddy kaya tinuloy ko na lang ang pag-explain baka sakaling maisalba ko pa sarili ko.

"Nullie rin po yung Median. Wala akong choice. Di ko po kayang iwan mga kaibigan ko. 'Save them'. Yan lang ang naiisip ko ng mga panahon na yun. Daddy kung sa inyo man nangyari yun, wala akong pake kung magalit kayo, iililigts ko parin kayo. You taught me to value who's important to me. I just did Dad. I just did! At hinding hindi ko pagsisisihan na ginamit ko yun para iligtas sila."

"Pero napaka delikado para sayo ang gamitin yun!"

"Paano naging delikado Dad? Di ko naman ikakamatay yun. Isa pa you never told me why I can't use that ability. Now tell me dad, bakit po ba bawal?"

Mas naging grim yung expression ni Daddy. Hindi din siya nagsalita. Pati sina kuya tahimik lang sa isang tabi. Ang maririnig mo na lang ay yung mga hikbi ko.

"Sino ang nakakita?" bigla na lang niyang tinanong

"Mga kaibigan ko po at yung nullie na Median. Sila lang po sa pagkakaalam ko. Mapagkakatiwalaan naman po mga kaibigan ko Daddy eh. Safe po ang secret ko sa kanila."

"Sigurado ka ba na sila lang? At sigurado ka ba na safe yun sa Median?"

Umiling ako. Hindi ko alam kasi kung sila lang ba talaga ang nakakita noon. Hindi ko kasi alam kung may iba pang tao nung panahon na yun. At malay ko din ba sa Median na yon.

"Give me your phone."

Binigay ko na lang sa kanya yun at di na nagtanong pa. Alam ko naman na grounded ako.

Pag kakuha ni Daddy ng phone ko, kinuha niya yung kamay ko at naglakad pababa sa basement.

"Daddy please! Wag na po sa basement. Daddy! Kahit sa loob na lang po ng bahay kahit ilang buwan pa. Sige na po wag na sa basement."

Deitrem (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon