Chapter 37: Apology Accepted

37 4 0
                                        

Ramjee's POV

Dahil day 2 na ngayon, di na namin kelangan magbantay sa booth kasi kahapon tapos na kami sa duties namin. Hinati kasi namin sa apat ang class, bale 2 group bawat araw. Since tapos na nga kami, libre na kaming i-enjoy ang festival buong magdamag!

"Tara bili tayo cotton candy!"

"Puro ka matamis Ram. Magkaka diabetes ka niyan."

"Nagagamot na ngayon ang diabetes. Kung ayaw niyo edi wag kayo bumili. Easy!"

Tumakbo na ako papunta sa nagtitinda ng cotton candy. Sumunod naman sila at bumili din.

"Kita mo to. Makapigil sa akin, bibili rin naman pala." Sabi ko kay Clovis

"Eh ako pangalawa ko palang na sweets eh ikaw, pang bente mo na ata. Hahaha!"

"Whatevs!"

Bigla naman may lumapit sa amin na babae at inimbitahan kami na pumasok sa booth nila. Tinanong namin kung anong klaseng booth tapos tinuro niya yung 5 stories high at may exterior na catchy at playful. Inaya ko silang pumasok doon at buti na lang pumayag sila.

"Ate anong meron sa booth niyo?" tanong ko sa nasa information

"Running challenge! Kelangan niyo lang makababa mula 5th floor hanggang 1st."

"Hmm... anong prize?"

"Secret!"

"I got a bad feeling about this." Sabat naman ni Nix.

"Edi wag ka pumasok. Ang dali dali ng problema mo eh."

"May sinabi ba ako na ayaw ko pumasok? Daldal ka naman kasi ng daldal."

Di ko na siya pinansin at niyaya na sina Harm na pumasok.

Sinamahan nila kami hanggang doon sa elevator. Nauna kaming pumasok ni Nixon. Inantay naming makapasok sina Harm kaso nasa labas parin sila at nakangiti. Nagwave pa sila ng bye bye bago pinindot ni Zero yung close button. Lalabas pa sana ako kaso nagsara ng sobrang bilis yung pinto. Mga one sec lang ata ang sara nun kaya nagulat ako. Buti na lang nahila ako pabalik ni Nixon kundi naipit na ako doon.

"Patay sakin yung tatlong yon mamaya!"

May sasabihin pa sana siya kaso huminto na yung elevator at bumukas na yung pinto kaya lumabas na kami. Nauna akong lumabas kesa sa kanya. Tumambad sa amin ang hallway at mga pinto sa gilid.

"I don't see any stairs."

"Baka nasa loob ng mga pinto. We need to check every doors."

Nagsimula na kaming maglakad at pumunta sa first door on our left ng biglang namatay yung ilaw kaya napatalon ako sa gulat.

"Oh my gosh! Wala akong makita!! Hoy Nixon!"

"Ano?"

"Wala! Naninigurado lang na buhay ka pa!" sabi ko na lang.

Bigla namang sumindi ulit yung ilaw. Ano ba yan, may power shortage ba dito sa booth nila? Tss..

Magsisimula na sana ulit kaming mag lakad nang bigla na lang namatay sindi yung ilaw. Slow motion pa kaming napatingin sa isa't isa. OMG what's happening? Please wag naman sana yung iniisip ko dahil mababaliw ako!

Nung tumingin ako sa harap ko, may biglang babae na duguan na nagpakita sa akin.

"WHAAAAAAAAAAA!!" nasapak ko yung babae sa sobrang gulat. Nataranta naman ako bigla.

"Hala ok lang kaya siya?"

"Mamaya mo na problemahin yang nakacostume na yan at yung hagdan ang hanapin mo!"

Deitrem (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon