Chapter 24: Ghost Hunt

38 3 0
                                    

Harmony's POV

Pinabalik kami agad nila Sir para makapagpahinga na daw. Maaga pa kasi ang start ng mga games bukas. Kailangan magpahinga para may lakas laban sa mga regions.

Naglinis kami ng katawan tsaka nagbihis. Tulog na si Ram sa tabi ko pati na rin yung isang junior na si Kein at yung only girl na representative sa senior na si Rika sa kabilang kama. Humiga na rin ako para matulog.

"Pst." Narinig kong sitsit ni Ram. Inaantok pa ko.

"Umaga na ba, Ram?" Sabi ko ng nakapikit. Feeling ko kasi ilang oras pa lang ako natutulog. Ang bilis naman mag umaga dito.

"Pst." Sitsit nya ulit pero this time malakas na. Ayaw ko sanang idilat yung mata ko kaso kailangan baka malate pa ko at mapagalitan nila Sir.

Nang tingnan ko si Ram, tulog ito sa tabi ko. Maging yung dalawa tulog na tulog. "Sino yung nasitsit?" Bulong ko sa sarili ko.

Malapit sa bintana yung kama namin ni Ram. Sumilip ako dun kaso madilim pa. Napatagal yung pagtingin ko sa may bintana bigla namang may dumaan na babae nakaputi.

Sinara ko ulit yung kurtina at hindi yun pinansin. "May naglalakwatsa pa." Bulong ko ulit. Tiningnan ko yung oras at 2am pa lang. Ngeee! Akala ko pa naman umaga na.

Hihiga na sana ako ng may bigla akong naalala. "Paano?" Nasa fourth floor kami at paanong may maglalakad dun? Hindi ako makagalaw dahil bigla akong kinilabutan.

Ginising ko si Ram para magpalit kami ng pwesto. "Ram!" Kaso tulog mantika ata tong si Ram. Hindi nya ko pinansin at niyakap lalo yung unan. Niyugyog ko na sya this time. "Raaam! Palit tayo ng pwesto."

Napaupo si Ram habang kinukusot pa yung mata. "Hmm." Tumango naman sya at nagpalit na kami ng pwesto. Humiga ako ulit at muling natulog.

Ilang minuto pa lang akong tulog pero eto ako ngayon ginising ni Ram. "Harm, gising." Ayoko talagang gumising inaantok pa kasi ako.

Gumulong ako sa kama. Nakalimutan kong nasa side na nga pala ako kaya nalaglag ako. Mali pa yung paglanding ng paa ko kaya ayan instant sprain. "Araay."

"Hala, Harm. Sorry. Okay ka lang?" Tanong ni Ram sa'kin. Tumango ako at nagthumbs up. Pinilit kong tumayo at bumalik sa kama. "Bakit, Ram?"

"May sumisitsit kasi sa'kin tapos tapos sumilip ako sa bintana baka kasi yung mga boys lang yun kaso wala namang tao." Pagpapaliwanag nya. Hindi nga sya mapakali.

"Ha? Ganun din yung nangyari sa'kin kaya ako nakipagpalit ng pwesto."

Biglang may kumatok sa may bintana. Nagkatinginan kami ni Ram at nanlaki yung mata namin. Nagtuturuan pa nga kami kung sino yung titingin. Sa huli, ako na lang.

Inhale. Exhale. Kinakalma ko yung sarili ko. Unti-unti akong sumilip sa kurtina. "Whaaa!" Napasigaw ako dahil sa gulat.

May manika kasi na nakasabit tapos humahampas sa may bintana kaya akala mo may kumakatok.

"Harm, bakit --- Whaaaa!" Sigaw din ni Ram ng makita nya. Napaatras kami at napayakap sa isa't isa.

Tulog pa rin yung dalawa sa kabila. "Puntahan natin si Kuya. Hindi tayo makakatulog dahil dito." Suggest ni Ram kaya napatango naman ako.

Tumayo si Ram at nagsimula ng maglakad. Sumunod naman ako sa kanya kahit na masakit yung ankle ko. Hindi naman ako paika-ika lumakad kaya mabilis kaming nakarating sa may elevator. Nasa 8th floor pa kasi sila Sir dahil dun na lang yung may available na rooms.

Sumakay kami ng elevator ni Ram. Maya-maya pa huminto yun sa 5th floor. Bumukas yung elevator pero wala namang tao. "Ram/Harm..." Sabay naming sabi nagkatinginan pa nga kami e.

Deitrem (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon