Chapter 21: Welcome To Estermead

43 4 0
                                    

Ramjee's POV

Umaga na ako nakatulog kasi sobrang na excite ako sa games. Kaya ayan, ending, late ako sa call time.

"Bakit ngayon ka lang? Iiwan ka na sana namin. Aalis na kasi tayo." Sabi sakin ni Harm. Hindi ko siya na sagot agad kasi hinihingal pa ako.

"Sorry. Na-late ako ng gising eh."

"Excited kasi. Hahahaha! Baka hindi agad siya nakatulog."

"At least nakatulog. Ikaw nga hindi. Tignan mo mata mo ang pula. Para kang adik sa kanto."

"Gwapong adik kamo."

"Akala ko si Harm lang may air ability ikaw din pala."

Tinawanan lang ako Nixon. Napailing na lang ako. Maya maya pa sumulpot na si Clovis sa gilid ni Zero at pinapapunta na kami sa sasakyan.

"Hoy pasok na daw sa sasakyan. Aalis na tayo."

"Hala? Ano Clovis field trip lang? Hahahahaha!" sabi ko sa kanya.

Pano ba naman kasi ang daming dalang pagkain, tapos may unan pa siya. Hahahah! Ang cute tuloy niya asar. Parang bata.

"Makatawa naman. Wag ka hihingi sakin ng pagkain mamaya." Sabi niya sa akin

Naglakad na din siya papunta sa sasakyan at sinundan na siya nina Harm. Naiwan pa nga ako eh. Hahaha!

"Ito naman di na mabiro! Joke lang eh. Pahingi ako ng snacks mamaya ah. Hahahaha!"

Hinabol ko na din sila. Dahil nga medyo nauna sila Harm at Zero sila na magkatabi. Aish! Gusto ko pa man din makatabi si Harm. Epal naman neto ni Zero.

Si Clovis naman, nasa unahan katabi nung isang taga tech dept.

No choice ako kaya sa kabilang side na upuan ako. Sakto naman may vacant pa tapos sa may tabi ng bintana. Pupunta na sana ako doon kaso nagkasabay kami ni Nix. Eh ang hirap pa naman kasi ang liit ng space para makapasok sa upuan.

"Ako sa bintana." Sabi ko sakanya at pinandilatan siya ng mata

"Ako."

"Ako."

"Ako."

"Ako nga sabi eh."

Tapos nagtulakan kami doon. Pero dahil nakatingin na sa amin lahat, pinaubaya na sa akin ni Nix yung sa may tabi ng bintana na upuan. Nung nakaupo na ako, saka siya umupo sa tabi ko.

"Sige sa pauwi ikaw naman na sa bintana. Ok ba?"

"Sabi mo yan."

Nagfist bump lang kami doon at nagsimula na ngang umandar yung sasakyan. Sabi nila 5 hours daw bago makarating sa Estermead.

Kaya pala pinapapunta na kami sa school ng alas kwatro ng madaling araw. Sina kuya Reiji at si sir Rocco ang mga chaperone namin kasi sila naman daw ang trainer namin.

Dahil masyadong matagal ang 5 hours, kinain na lang namin yung pagkain ni Clovis. Dahil mabilis maubos yun, napag desisyunan naming matulog na lang. Then narealize ko, wala palang kwenta yung pagupo ko sa may tabi ng bintana kasi matutulog lang pala kami.

Kukunin ko sana yung unan ni Clovis kaso hinampas niya yun sa ulo ko at sabi pa niya gagamitin daw niya.

"Makapang-asar ka diyan na para akong nasa field trip tas kukunin mo pala unan ko. Partida ang dami mo pang nakain sa dala ko. Hahahaha! Ayan oh! Si Nixon gawin mong unan." Sabi niya habang nakaturo pa kay Nix.

Edi sinandal ko na lang sa balikat ni Nix yung ulo ko. Tapos maya maya pa, pinatong na niya yung ulo niya sa ulo ko.

***

Deitrem (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon