Chapter 30: I Won't Cut Ever Again

28 3 0
                                    

Ramjee's POV

It's been two weeks since nung victory party namin. Kaya heto kami ngayon, balik normal ang buhay. Balik classroom.

Habang naglelesson si Ms. Lira biglang may tumawag sa kanya kaya lumabas muna siya. Pagbalik niya, she dismissed the class. May urgent daw siyang pupuntahan. The moment na lumabas si Miss, naghiyawan naman na lahat ng kaklase ko at nag punta na sa kanya kanya nilang trip gawin.

Pumunta ako sa pwesto nina Harm at umupo sa tapat na upuan niya. Ganon din ginawa ni Nix.

"Wala pang kalahating oras simula nung nagklase si Miss tapos wala agad?" reklamo ni Nix

"Mag-iisang linggo nang ganyan. Lagi na lang may urgent meeting." Sabi naman ni Zero

"I think something big is about to happen." Sabi ko sa kanila

"Ang nega mo naman." Nix

"Pag something big nega agad? Malay mo naman may party diba? Ikaw diyan ang nega eh."

Nagdaldalan lang kami doon tulad ng ibang klaklase namin. Bigla na lang bumukas ng malakas yung pinto then pumasok yung isa naming kaklase.

"GUYS! GOOD NEWS! WALA TAYONG NEXT CLASS! PINA-CANCEL NI SIR RALFO!"

Again, naghiyawan na naman. Bigla naman akong nakaisip ng bright idea.

"I have an idea!"

Tinignan nila akong tatlo.

"Kinakabahan ako sa idea mo Ramjee."

"Wag mo akong tawaging Ramjee!"

"Ano ba yang idea mo?" tanong sakin ni Harm

"Cutting tayo? Hahaha!"

"HUUUUH? SERYOSO KA?" sabay na sabi nina Nix at Zero. Muntik pang mahulog si Zero sa upuan niya.

Si Harm kasi tumango agad tas nagtaas pa ng kamay bilang pag- agree. Hahaha

"Talagang sayo pa galing yang idea na yan ah? Kala ko pa naman si Harm lang makakaisip ng ganon. Pati pala ikaw." Sabi sakin ni Nix

Nag roll eyes lang ako sa kanila.

"Guys! You only live once! YOLO!" sabi ko sa kanila pero mukhang di pa sila masyadong convinced. Well except kay Harm. Pumayag agad sya eh.

"Ok let's put it this way...let's investigate. Suspicious na kasi yung faculty eh. What do you think?"

Nagkatinginan silang tatlo tapos ngumiti lang ako sa kanila ng nakakaloko.

"DEAL!"

***

"Psstt.." sitsit namin kay Clovis

Tumingin naman siya sa paligid niya. Good thing nasa may pinto siya nakaupo.

"Psstt... Clovis!"

At last tumingin na din siya sa amin. Nagulat pa nga siya kasi andito kami sa labas ng room niya. Hahaha!

"What are you doing here?"

"Sinusundo ka. hahah! Let's do some investigating?"

Tinignan niya kami ng may pagtataka kaya inexplain ko sa kanya yung balak namin.

"Gusto mo lang mag-cutting eh."

"Yeah. YOLO! So? Ano sasama ka?"

Ngumiti lang siya. Naintindihan naman na namin yun kaya hinanap namin yung meeting room.

Deitrem (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon