Chapter 45: What Now?

40 4 0
                                    

Harmony's POV

Hindi ko alam kung saan ako maguumpisang hanapin si Lola. Nakatulala lang ako sa kisame at iniisip pa rin kung saan pwede pumunta si Lola.

Gabing-gabi na Harmony. Pwede naman sigurong bukas ka na mag-isip?

Napailing na lang ako dahil para na akong ewan na kinakausap yung sarili ko.

Hahanapin ko muna si Lola dito sa Ashwick. Tumayo ako sa kama tsaka ako nagsuot ng jacket.

Sinilip ko si Ry sa kwarto nya at tulog na tulog ito. Si Cloud at Meatball din sa baba. Dahan-dahan kong sinara yung pinto tsaka ako naglakad pababa.

Kailangan ko munang iwan si Ry para mahanap ko si Lola. Pagkalabas ko ng bahay, gumawa ako ng protective barrier para sa bahay.

"Babalik ako agad." Nagmadali na akong tumakbo papunta sa kung saan man.

***

Ilang oras ako nagpaikot-ikot sa kung saan pero hindi ko makita si Lola. Kahit sa mga possible na pwede nyang puntahan wala pa rin.

Inaantok na ako.

Matulog kaya muna ako dito?

"Ay hindi pwede."

Nasa gubat ako at malapit na mag umaga kaya kailangan ko makabalik agad.

Sa plaza na ako dumaan para shortcut.

"Harm!" napalingon ako at nakita ko si Aling Felice na kumakaway sa'kin.

Lumapit naman ako sa kanya. "Magandang umaga po."

"Ang tagal mo ng hindi dumadaan dito."

"Oo nga po. Wala na po kasi akong time."

"Sabagay nasa Silverleaf ka na pala."

Tumango lang ako kay Aling Felice. "Grabe yung nangyaring pagatake ano? Buti buhay pa kaming lahat. Malapit lang kasi sa'min yung mga pagsabog."

"Mabuti na lang din may mga tumulong sa'min galing Silverleaf. Ito ngayon nakakapagbukas na ng tindahan pagkatapos tumulong sa Ashwick. Ikaw , Harm?"

"Okay naman po."

"Mabuti kung ganun. Mabuti rin at hindi ng hostage yung mga Meadians. Naku po –"

Hindi na nya natuloy yung sasabihin nya dahil sumingit ako. "Po? Pakiulit nga po yung hostage?"

"Ah yun ba. Sa tanda ko ba naman dito sa Ashwick, may mga napagdaanan na ako na ganun."

Patuloy lang sa pagkukwento si Aling Felice pero walang pumapasok sa utak ko. Possible kayang hawak ng mga Meadians ang Lola ko? Pero bakit ang Lola ko lang? Sabi kasi walang hostage na naganap. Ano naman kayang kailangan nila sa Lola ko?

Hindi pa ko sigurado kung nasa Estermead nga si Lola. What if nandun nga sya?

Kailangan kong puntahan si Lola sa Estermead. Wala namang mawawala sa'kin kung pupunta akong Estermead di ba?

Err. Okay ka lang ba Harm? Delikado ang pumunta dun lalo na kapag nalaman nila na Wickian ako.

Nagpaalam na ako tsaka ako umuwi ng bahay. Baka gising na yun si Ry.

***

Imbis na si Ry, ang una kong nakita ay si Clovis na nakatayo sa tapat ng bahay namin. Inalis ko yung invisible na protective barrier kaya natumba sya. Nakasandal kasi sya sa may barrier.

Napatingin naman sya sa'kin kaya dali-dali syang tumayo.

"Saan ka galing?"

Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin yung totoo pero baka mamaya malaman ni Lola na nagsinungaling ako kaya sige na nga.

Deitrem (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon