Chapter 11: Ability Test Passed

52 6 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Saturday ngayon kaya nasa bahay ako. Wala kaming training kasi sabi nila pahinga daw para may energy.

"Ate, tingnan mo po." Pinakita nya sa'kin yung ginagawa nya dati.

May lumabas ulit na mga visible waves dun.

"Ate tingnan mo po itatry ko po kay Cloud." Pinosisyon nya yung kamay nya na katulad ng Kamehame wave.

Pumikit sya. "Gagayahin ko po ikaw, Ate."

Biglang may lumabas na waves sa kamay nya kaya napaatras si Cloud. Tuwang tuwa naman si Ry pati na rin si Cloud.

Nagtatatalon silang dalawa kaya nakisali si Meatball.

"Ry, anong sabi ni Lola?" Nilapitan ko sya at kinarga.

Saglit syang nag-isip. Nagulat sya ng may naalala tapos tinakpan nya yung bibig nya. "Hindi ko na po uulit."

Tumango ako at ngumiti kay Ry.

Nasa kwarto kami at si Lola nasa sala. Naglaro lang kami ni Ry dahil gusto daw nya kami maglaro para daw makalimutan nya yung ginagawa nya kanina.

"Harmony apo, may bisita ka." Tawag sa'kin ni Lola mula sa labas.

Sino naman kaya ang bibisita sa'kin? Wala naman akong sakit. Di ba pag may sakit lang yun?

Lumabas ako ng kwarto. Nakasunod naman sa'kin si Ry.

Naabutan ko sa sala si Zero kasama si Lola.

Sabi nya walang training ngayon tapos bakit sya nandito?

Tumayo si Lola. "Kukuha lang ako ng meryenda nyo." Umalis din si Lola at pumunta ng kusina.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Patambay lang, Harm." Tumango na lang ako.

Lumapit sa kanya si Ry. "Hi Ry" sabi nya at ngumiti ay Ry.

"Bakit kay Ry ngumingiti ka?"

Imbes na si Zero ang sumagot si Ry. "Kasi po Ate, cute po ako."

Natawa naman ng mahina si Zero. Tingnan nyo. Ngumiti si Zero at natawa pa sya. Ibig sabihin hindi ako cute?

"Sabi nino?"

"Sabi po ni Ate Ram." Kinarga sya ni Zero at pinaupo sa lap nya.

Dumating naman si Lola na may dalang meryenda. "Magmeryenda na kayo. Maiwan ko muna kayo at may kailangan lang akong bilhin."

"Salamat po." Sabi ni Zero kay Lola.

"Mag-ingat po kayo, Lola." Tumango lang sya at lumabas na.

Nakisali na rin sila Cloud and Meatball. Nagsimula na kaming kumain.

"Kuya Zero, bakit ka po tambay dito?" Sabi ni Ry habang kumakain ng biscuit.

"Gusto ko lang magpahinga."

Deitrem (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon