Chapter 16: Training Time

48 5 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Hell Training, Week 2

Nagiba nag itsura ng training room. Dati kasi walang kalaman laman ito pero ngayon, napapaligiran na kami ng targets. Pati na rin pala ang pakiramdam pag nasa loob ka, nag iba. Hindi ko ma explain pero medyo nakakahilo. Nasa gitna ng room si Sir Rocco at hinihintay kami. Ngumiti siya ng nakita niya kaming dumating.

"I think a week is more than enough preparation to move on the next level. As you can see, I change the interior of the room. I need you to target only the ones that are blinking. Easy right?" Naglabas ng water orbs si Sir Rocco. He aimed the orbs at the blinking targets, and in less than a second, the target was destroyed.

Tinuro ako ni Sir Rocco. "Ladies first. Ms. Raskins?"

Pumunta na ako sa gitna. Huminga muna ako ng malalim bago maglabas ng arrows. I pointed them in the direction where the blinking targets are. I released them and was so shocked when some of my arrows changed directions. Bumalik sa akin yung iba! Good thing nakayuko ako agad. Nagsipag takbo naman palayo sina Harm. Nakita ko yung isang arrow na nakatusok sa may taas ng ulo ni Zero. Ilang inches na lang at tatama na talaga yon sa ulo niya.

"I'm sorry. I didn't know what happened."

Pinanlisikan ako ng mata ni Zero. Hindi siya nagsalita pero binato niya sa akin pabalik yung arrow na agad kong inilagan.

"I said I'm sorry!" hindi ko napigilang matawa ng maalala ko yung panlalaki ng mata niya ng sa kanya lumipad yung pana. Hindi tuloy mukhang sincere ang paghingi ko ng sorry. Nailing si Zero pero nakita ko na napangiti rin naman siya.

Out of 10 targets, I only managed to destroy 2.

"Sir! Bakit po ganon? I was certain I made them fly in the right direction."

Ngumiti si Sir sa akin. "I put some ability interference device all over the room. That's why controlling your ability is harder. And if you notice, when you entered the room, you felt a bit nauseous."

So that's the weird feeling I felt earlier! Interference devices! Nilibot ko ang mga mata ko hinanap yung devices. I counted 10 in total. Jusko, kaya naman pala nakakahilo. Sobra sobra ang nilagay ni Sir!

"Anyways, let's move on. Let's see if Ms. Leung can produce a better result." Tinawag na niya si Harm kaya pumunta na din siya sa gitna. Ako naman bumalik sa gilid kung nasaan sina Nix.

Gumawa ng wind daggers si Harm at yon ang binato niya sa target. Nakatama din siya ng dalawa pero tulad ko, her daggers went wild. Nawala ang form ng daggers kaya nag-create ito ng gust of wind. Umangat pa yung palda ko dahil don. Buti na lang mabilis ko yung nahawakan. Good thing at hindi ako umaalis ng bahay ng hindi nakashorts!

"Sir, pwede po ba mag pants next time?"

"I was about to suggest that." Natatawang sabi ni Sir Rocco.

Deitrem (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon