Chapter 34: Zero's Back

47 4 0
                                    

Ramjee's POV

"Ramjee, hinahanap ka ni Nixon." Sabi nung isang events rep namin.

"Ha? Nixon? Sino yun? Wala akong kilalang Nixon."

"Seryoso ka ba?"

Tumango lang ako sa kanya at naglagay na nga headphones sa ulo. Nadito kasi ako sa room. Ako nga lang magisa dito eh. Busy kasi sila sa pagaayos nung Gym B. Ayoko pumunta doon, panigurado maririnig ko lang naman boses ni Nixon na naguutos. Tatlong araw na kaming di nag-uusap ni Nixon. Bahala siya sa buhay ni peste siya.

Di naman nagtagal, umalis na yung events rep namin kaya naman naglaro na lang ako sa phone ko. Bigla na lang may di kanais nais na nilalang na sumulpot sa unahan ko.

Dahil mukhang magsasalita siya, tinanggal ko headphones ko.

"Baka gusto mo tulungan kami? Ano maglalaro ka lang diyan?"

Tinignan ko siya. Yung tipong bored at walang paki sa kanya.

"Huh? Sino ka ba? Kilala ba kita?" sabi ko lang at naglagay ulit ng headphones sa ulo na tinaggal naman niya agad. Bastos din to eh no?

"Seryoso ka ba diyan? Anong trip yan Ramjee? Will you please stop fooling around?" sabi niya sa akin.

"Oo seryoso ako. Pakilala ka muna bago kita kausapin. I don't talk to strangers!" mataray kong sabi

"Bahala ka nga sa buhay mo!" then umalis na din siya.

Narinig kong binuksan na niya yung pinto. Akala ko umalis na talaga pero bigla naman siyang bumalik.

Tinignan ko lang siya. Mukhang nag-aalangan at may sasabihin pa.

"Seryoso ka ba talaga?" sabi niya sa akin kaya I rolled my eyes at him

Bigla siyang napahawak sa batok niya tapos ginulo pa niya buhok niya.

"Shit...am I really gonna do this?" mahina niyang sabi tapos tumingin na din sa akin.

"Uh.. I'm Nixon Fahrner and I really need your help. Please?" tuloy niya

Inirapan ko lang siya tapos tumayo na at nagsimula nang maglakad papunta sa Gym B. Naramdaman ko naman na sumunod na siya pero wala paring nag-iimikan sa amin.

Pagkarating agad namin sa Gym B, sinalubong agad kami ni Harm.

"Okay na kayo ni Nixon?"

"Huh? Anong ok? Kakakilala ko nga lang sa kanya eh." Sabi ko sa kanya kaya napakunot naman siya ng noo.

"Huh? Anong kakakilala?"

"Di ko kilala yung Nixon na sinasabi mo until kanina. Ano tara na? Madami daw gagawin eh." Sabi ko at nagsimula ng maglakad.

Sinundan naman ako ni Harm.

"Teka! Anong di mo siya kilala? Nagka-amnesia ka ba? Hindi mo talaga siya kilala? Tara sa healer." Sabi niya at hinatak ako kaso pinigilan ko siya. Nginitian ko na lang siya.

"Okay ako Harm don't worry."

"Pero sabi mo di mo kilala si Nixon."

"Di kasi siya yung Nixon na kilala ko. Tara na para maaga tayo matapos." Yaya ko sa kanya at sumunod naman na siya. Buti nga di na niya ako kinulit eh.

Inaayos ko naman trabaho ko pero di ko malaman laman kung bakit ba laging pinupuna ni Nixon gawa ko. Kesyo may mali, kesyo di pantay at madami pa. KSP naman tong isang to bwisit!

Habang busy kami sa pag-aayos ng Gym biglang may nag text sa akin. Si Hershian.

Sabi niya ngayon na daw kami aalis. Kaya nagreply ako ng ok pero mamaya na lang kasi may ginagawa pa ako.

Deitrem (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon