Chapter 23: Second

34 3 0
                                    

Harmony's POV

Naupo na kami nila Ram sa unahan ng bleachers. Maguumpisa na kasi ang game nila Zero at Nixon. Kaninang after lunch, bumalik kami agad dahil may games pa yung iba. Lamang na nga ngayon ang taga Estermead.

"Ladies and Gentlemen, again welcome to Deitrem Annual Tournament. In this game, they need to go through the obstacles.

Walang mga traps or kung ano man dyan but your opponents may hinder you."

Nagka gulo naman ang mga tao. Kanya-kanya silang hiyawan. Naki sigaw na nga rin yung mga kasama ko except kanila Sir Rocco and Sir Reiji.

Ipinagpatuloy nya yung sinasabi nya. "Yes! You heard it right! Maari nilang gamitin ang mga abilities nila para pigilan ang kanilang opponents. Kung sino man ang malalaglag sa tubig, automatically out. The first one who will finish this game will be the winner.

Don't worry guys! May scores na matatanggap ang mga susunod na makakatapos at idadagdag yun sa score ng region nyo.

Good luck!"

Muli ulit nagkagulo. Puro hiyawan lang ng mga taga Estermead. Syempre lugar nila to kaya mas madami sila.

Yung game na to kasi is puro obstacles nga and sa ilalim nun may tubig. Kapag na out of balance ka or napabitaw ka, sa tubig ang diretso mo.

[A/N: Parang American Ninja Warrior po sya.]

"Contestants come on out!" Nagsipaglabasan naman yung mga contestants para sa game na to. Kumaway kaway pa sila.

Dalawang junior representatives per region ang kasali. Dapat nga yung isa naming classmate kaso nagkasakit sya nung mga nakaraang araw kaya si Zero na lang daw.

"Welcome the Dracton's representatives!" Kumaway naman yung mga taga Dracton. Chineer pa sila ng mga ka-team nila.

"From the west, the Clearhill's" Gaya ng ginawa ng taga Dracton's kumaway kaway din sila.

"Now, from Estermead's!" Nagsigawan yung mga tao habang kumakaway yung representatives nila. May chant pa nga sila.

'Meadians! Estermead! Meadians! Estermead!"

Paulit-ulit yun hanggang sa inaannounce yung region namin. "From the center of Deitrem, Ashwick's"

Kumaway sila Nixon and Zero pero 'boo' ang natanggap nila mula sa mga taga Estermead.

"Ayaw talaga nila sa'tin." Bulong ko kay Ram.

Tumango naman si Ram. "Malakas kasi tayo. Haha"

Nang tumingin ako kanila Nixon at Zero, nakatingin din sila 'min. Ngumiti pa nga sila pareho tsaka kumaway.

"GO ASHWICK!" Sigaw ni Clovis sa tabi namin. Tumayo pa nga sya tsaka nagthumbs up.

Tumayo na rin kami pati yung iba naming kasama. "ASHWICK!" Sigaw naming lahat.

Tumango tango naman yung dalawa tsaka may binulong si Nixon kay Zero. Hindi ko alam kung ano tapos nag apir pa sila.

Maya-maya pa pinapwesto na sila dahil magiistart na. Sana manalo kami dito. May tiwala naman kami sa dalawa kaya nga sila ang napili para dito.

"3...2...1... GAME START!"

Nagsimula na silang tumakbo papunta sa unang obstacle. Yung unang obstacle is yung tatalunin nila yung mga platforms. Hindi sya madali dahil yung platform na yun ay gawa sa ice na manipis. Siguro mga anim na tao lang ang pwedeng dumaan dun at kapag nahuli ka wala na.

Deitrem (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon