Dear You,
Hibang na nga ako. Nagpunta ako sa terminal kanina, at pasimple kang hinintay sa may Mini Stop. Hindi kita nakita. Siguro ay wala kang pasok, hindi ba dumating ang prof mo? Nagkasakit ka ba? Mali ba ako ng tanda sa schedule mo? Kung ano man ang rason, sana ay nasa maayos kang kalagayan. Bukas kaya ay makikita na kita? Sabay tayo ng pasok bukas, e.Alam kong sa school kita nag-aaral at sa College of Nursing ka, puntahan na kaya kita doon para malaman ko kung ano ang pangalan mo? Kahit nasa kabilang dulo ang building namin sa building n'yo ay gusto kitang hanapin doon. Naiisip ko nga minsan na magkunwaring nabunggo kita at saka ko pasimpleng hihingin ang pangalan mo. Gano'n kasi ang mga nababasa ko sa libro.
Magkaroon rin kaya tayo ng kuwento kung gagawin ko 'yon? Tingin mo?
Nagmamahal,
Me
BINABASA MO ANG
Dear You, (Nagmamahal, Me)
RandomNaranasan mo na bang magkagusto sa taong nakita mo lang sa jeep? 'Yung tipong dahil sa maraming beses kayong pinagtatagpo ng tadhana, kahit hindi mo pa alam ang pangalan n'ya ay na-attract ka sa kanya? E, ang magsulat ng 'love letters' para sa kany...