Dear You,
Pinapa-check mo ba ako kay Charlie? Nakita ko siya kanina, nakasunod sa akin. Kunwari na lang ay hindi ko siya napansin. Ayaw ko kasing magulat na kasama ka pala n'ya.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa iyo kapag nagkita tayo. Sigurado kasi akong tatanungin mo ako kung ano ang nangyayari, kung bakit madalang mo na akong makita, makasama, o hindi kaya ay makausap.
Paano kung bigla na lang kitang masagot ng, "In love na kasi ako sa iyo." Ano na lang ang gagawin ko?
Nagmamahal,
Me
Note: Wala pong update hanggang Sunday. Monday na po ang resume. Medyo magiging busy for MIBF. :)
BINABASA MO ANG
Dear You, (Nagmamahal, Me)
RandomNaranasan mo na bang magkagusto sa taong nakita mo lang sa jeep? 'Yung tipong dahil sa maraming beses kayong pinagtatagpo ng tadhana, kahit hindi mo pa alam ang pangalan n'ya ay na-attract ka sa kanya? E, ang magsulat ng 'love letters' para sa kany...