Dear You,
"Makikipaghiwalay ka na ba sa 'kin, Melody?"
Sabay na tumulo ang luha naming dalawa. Hindi ko kinaya ang makitang umiiyak si Charlie. Parang sa isang iglap lang ay kinalumutan ko ang lahat ng pinagsamahan naming dalawa.
Oo, hindi pa ganoong katagal 'yon, pero tuwing naiisip ko ang effort ni Charlie para sa akin, nawawalan ako ng lakas sabihin sa kanya lahat ng gusto kong sabihin. Nawawalan ako ng lakas ng loob sabihin sa kanya na...
"Ayaw ko na, Charlie. Niloloko na lang kita pati na ang sarili ko."
Iniisip ko pa lang kung ano ang magiging reaksyon n'ya ay naiiyak na ako. Charlie is too pure. Alam kong ngayon pa lang ay nasasaktan na siya. Seeing him crying makes my heart shattered. Parang salamin na nabasag at naiwan sa kaloob-looban ko ang mga piraso, isa-isang tumutusok sa natitira pang parte ng puso ko. Sobrang sakit.
Maaring hindi ko mahal si Charlie katulad ng pagmamahal ko sa iyo, pero kahit papaano ay alam kong minahal ko siya, minahal ko ang Charlie na sumalo sa akin noong mga panahon na warak ang puso ko dahil sa iyo.
Nagmamahal,
Me
e
BINABASA MO ANG
Dear You, (Nagmamahal, Me)
SonstigesNaranasan mo na bang magkagusto sa taong nakita mo lang sa jeep? 'Yung tipong dahil sa maraming beses kayong pinagtatagpo ng tadhana, kahit hindi mo pa alam ang pangalan n'ya ay na-attract ka sa kanya? E, ang magsulat ng 'love letters' para sa kany...