Letter 00

4.2K 145 27
                                    

Dear You,

Hi! Nakita kita kanina, actually lagi kitang nakikita sa sakayan ng jeep. Noong una ay wala lang, pero hindi ko namalayan, isang araw lagi na kitang hinahanap sa sakayan. Alam mo 'yun pakiramdan na, dati naman wala akong pakialam sa iyo, pero biglang nagbago yata ang usok ng jeep sa sakayan, 'yung dating maitim ngayon medyo maputi na. 'Yung dating, "Okay, nakakasabay na naman kita, so what?" Na ngayon, "Paksyet, nakita na naman kita. Harap ka ng kaunti, hindi ko makita ng maayos ang mukha mo."

Dati ayaw kong nagmamadali sa pagpasok, pero ngayong kabisado ko na ang mga araw na nakakasabay kita, kahit alam kong sarado pa ang terminal gusto ko nang magmadaling pumunta, masilayan ka lang kaagad. Naging gawi ko na rin na sipatin ang ID mo malaman ko man lang ang pangalan mo, at mahanap kita sa facebook, pero hindi pa ako pinagpapala. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan mo.

Bukas, wala akong pasok pero alam ko kung anong oras ang pasok mo, dahil nakasabay kita noong minsan sa kaparehong araw. Gusto kong pumunta ng terminal para masulyapan ka, pero pinipigilan ko ang sarili ko. Ayaw kong mapunta pa kung saan itong kahibangan ko. Tingnan mo, sinusulatan pa kita kahit alam kong hindi mo ito mababasa. Hibang na yata ako.

Nagmamahal,Me

Dear You, (Nagmamahal, Me)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon