Letter 09

1.5K 84 0
                                    

Dear You,

Bumalik ako sa booth n'yo kanina, wala lang. Sinilip lang kita doon. Ang ganda noong babaeng kasama mo. Nakaka-insecure. Girlfriend mo ba 'yun? Parang ang sweet n'yo kasi sa isa't isa. Hindi ko namang balak manood sa ka-sweet-an n'yo, gusto lang sana talaga kitang makita.

Sorry dahil ang weird ko. Hindi ko sure kung ito na ba 'yung selos na tinatawag nila, pero alam ko naman na hindi naman ko dapat magselos. Kasi 'di ba, hindi mo nga ako kilala, e.

Naiinis ako sa nararamdaman ko.

Nagmamahal,
Me

Dear You, (Nagmamahal, Me)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon