Letter 48

1.1K 69 3
                                    

Dear You,

You stupid. Sino ang nagsabi sa iyong hintayin mo ako sa sakayan? Wala sa plano ko ngayong first day ng school ang makita ka sa sakayan. Wala sa plano kong makita ang all white uniform mo. Wala sa plano ko na makita ang chinito mong mata. Wala sa plano ko ang makita ang iyong ngiti.

Wala sa plano ko ang makatabi ka.

Paksyet naman, e. 'Yung puso ko kanina mas mabilis pa sa sinasakyan natin ang jeep ang kabog. Akala ko ay aatakihin na ako. Lalo na no'ng pasimple mong idinikit ang hinliliit ng kaliwang kamay sa hinliliit ng kanang kamay ko na nakahawak sa bakal. Buong byahe, nangangalay na ako, pero pinilit kong hindi ibaba ang kamay ko.

Hindi tayo nag-usap, pero grabe ang pakiramdam ko. 'Yung tingin mo sa akin. 'Yung ngiti mo sa akin. Grabe. Sobra kitang na-miss. Gusto kong sakalin ang sarili ko dahil parang nakalimutan ko ang rason kung bakit ako lumayo sa iyo. Worth it ba 'yung ginawa kong 'yun? Paksyet!

I can feel the butterflies in my stomach. I can feel my heart beating so fast. I can feel your warmth beside me. Fuck. I fucking love you.

Nagmamahal,

Me

Dear You, (Nagmamahal, Me)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon