Letter 36

1.2K 72 6
                                    

Dear You,

Ilang buwan na ba ang lumipas? Sinagot ko si Charlie, kasi buong akala ko ay naka-move on na ako sa iyo. Akala ko lang pala. Pansamantala lang pa lang nabulag ang nararamdaman ko. Nabulag sa ideya na masaya ako at kayang ko siyang mahalin katulad nang nararamdaman ko sa iyo.

Okay na naman kasi tayo, e. Normal na ang lahat. Walang naging gap noong sinagot ko si Charlie, naging mas close tayo, kahit si Eureka ay nakasundo ko. Pero bigla na lang nagbago ang lahat noong sinabi mong makikipaghiwalay ka na sa kanya.

Napuno ng tanong ang utak ko.

Bakit?

Bakit mo sa akin sinabi?

Bakit kailangan mong makipaghiwalay sa kanya?

Ano'ng nangyari sa inyo?

Bakit ngayon pa kung kailan okay na ako?

Bakit nagkakaroon na naman ako ng pag-asa?

Alam kong mali, pero bakit ko 'to nararamdaman?

Si Charlie na ang mahal ko... hindi ba?


Nagmamahal,

Me

Dear You, (Nagmamahal, Me)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon